6,904 total views
Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng mga tao ang Kan’yang ginawa.
Inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang pagtulong ng mabuting samaritano sa isang taong nangangailangan.
Sinabi nito na tulad ni Hesus, inaanyayahan ang mga mananampalataya na maging matulungin at magpakita ng habag sa kapwang naghihirap.
“Be a neighbor. A neighbor is one who sees a brother and sister in anyone in need, and out of compassion, and solidartity, he attends to the needs of others. Ang neighborhood, ang pagtulong ay pinapakita ng nga may habag, tulad ni Hesus.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Dagdag pa ng Cardinal, si Hesus ay hindi lamang ang mabuting Samaritano na tumutulong sa mga mahihirap.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang mga mahihirap, nagugutom, at nasa bilangguan ay sumasalamin din kay Hesus.
Dahil dito, inihayag ng Kardinal na mahalagang kalingain ng bawat mananampalataya ang kanilang kapwa lalong-lalo na ang mga naisasantabi sa lipunan.
“Si Hesus ay hindi lamang good samaritan, isa din S’ya sa nga pulubi noon na naghihingi ng tulong. Whatever we do to the least of our bethrens we do it unto Him.” pahayag pa ni Cardinal Tagle.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng pagkakatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life, binasbasan naman ni Cardinal Tagle ang ilang bahagi ng bagong kumpuning simbahan.
Matatandaang taong 1995 sa pagbisita ni St. Pope John Paul II sa Pilipinas, sinulong ang pagpapatayo ng dambana sa pangunguna nang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Abp. Jaime Cardinal Sin.