Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging makatotohanang storytellers, hamon ng CBCP sa mananampalataya at mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 281 total views

May 22, 2020, 1:21PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya na patuloy ibahagi ang mabuting balita ng Panginoon sa lipunan lalo na sa gitna ng krisis na dulot ng pandemic corona virus disease.

Ayon kay Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, ito ang ginagampanan ng simbahang katolika sa lipunan na nagpapalaganap ng magandang balita na nakaugat sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

“Ang simbahan talaga ang gawain ay dalhin ang mabuting balita, yung mabuting kuwento, ng pag-ibig ng Diyos sa mundong ito,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay batay sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika – 54 na World Communications Day 2020, na ipagdiriwang sa Linggo, ika – 24 ng Mayo kasabay ng dakilang kapistahan ng pag-akyat ni Hesus sa langit o Ascencion Sunday.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Pope Francis ang tema ngayong taon “ang storytelling o pagbabahagi ng mga kuwento na makatutulong mapalakas ang bawat isa sa pamamagitan ng mga magagandang karanasan na batay sa katotohanan.

Sinabi ng Santo Papa na ang bawat isa ay maituturing na story-tellers sapagkat nagpapatuloy sa paglago ang bawat isa kasabay ng pagkakatuklas ng sarili tungo sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos.

Kaugnay ditto, sinabi ni Bishop Maralit na napakahalaga ng misyon ng bawat isa at ng simbahan na ikuwento sa pamayananan ang magandang balita na hitik sa katotohanan.

“Paanyaya po talaga ito sa lahat ng mananampalataya hindi lamang sa mga communicators na tayo ay magpatuloy magbahagi sa kuwento ng pag-ibig ng Diyos na batay din sa kuwento ng ating pamumuhay bilang mga Kristiyano lalo na sa pagharap sa pandemyang ito,” giit ni Bishop Maralit.

PAANYAYA SA MGA MAMAMAHAYAG
Hinimok din ni Bishop Maralit ang industriya ng pamamahayag na itaguyod ang katotohanan sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa publiko.

Ipinaalala ng Obispo sa mga mamamahayag na mahalagang balanse ang bawat kuwentong ibinabahagi at tunay na walang kinikilingan, hindi sumasang-ayon sa pansariling pananaw o sa sinasabi ng iba.

“Be courageous to bring out the truth lalo na sa gitna ng ganitong sitwasyon [pandemic] dahil pangangailangan talaga ng tao ang katotohanan,” dagdag ni Bishop Maralit.

Iginiit ng Obispo na napakahalaga ng gampanin ng mga tagapamahayag na dalhin ang katotohanan sa mamamayan.

Nanindigan si Bishop Maralit na ito ang mabisang panlaban sa lumalaganap na fake news sa lipunan partikular sa social media kung saan batay sa pag-aaral higit sa 60 porsyento sa populasyon ng mga Filipino ay aktibo sa internet.

SOCIAL COMMUNICATIONS MINISTRY
Labis ang pasasalamat ng obispo sa mga volunteers ng simbahan sa social communications ministry ng bawat diyosesis at parokya sa napakalaking tungkulin na ginagampanan ngayong humaharap ang simbahan sa krisis bunsod ng pandemic COVID 19.

Hinahamon ni Bishop Maralit ang SoCom na gamitin ang oportunidad na makapaglingkod sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng paghahatid ng mga gawaing pansimbahan sa pamamagitan ng livestreaming sa kabila ng kawalan ng sapat na kagamitan.

“Lagi akong nagpapasalamat sa kanila [SoComm Ministies]; I’m always telling them na ganito kahalaga ang trabaho ng pagdadala ng good news; we have to take courage na talagang we are given this opportunity, so don’t waste it,” saad ng obispo.

Pinayuhan ng Obispo ang SoCom na ipagpatuloy at palaguin ang kakayahan sa pagpapalawak ng network sa iba pang mga diyosesis upang higit na maipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon at mga mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pamamagitan ng social media at iba pang media platform.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 52,075 total views

 52,075 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 66,731 total views

 66,731 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 76,846 total views

 76,846 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 86,423 total views

 86,423 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 106,412 total views

 106,412 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Paghahari ng kababaang-loob sa pagitan ni PBBM at VP Duterte, dasal ni Cardinal Advincula

 266 total views

 266 total views Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi ng arsobispo na ang nangyayaring political storm sa mga matataas

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Mga Obispo nakahandang mamagitan sa bangayan ng pangulong Marcos at VP Duterte

 764 total views

 764 total views Iginiit ng opisyal ng Stella Maris Philippines na mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulunga ng mga lider ng bansa. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng grupo, ang nagpapatuloy na hidwaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte ay lubhang nakakaapekto sa mga Pilipino kaya’t dapat na isantabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 3,587 total views

 3,587 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

 7,182 total views

 7,182 total views Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon. Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU. “The

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 8,294 total views

 8,294 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 8,333 total views

 8,333 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 8,396 total views

 8,396 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 10,125 total views

 10,125 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 10,635 total views

 10,635 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 10,684 total views

 10,684 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 10,685 total views

 10,685 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 10,713 total views

 10,713 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 11,697 total views

 11,697 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 12,994 total views

 12,994 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 13,025 total views

 13,025 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top