15,872 total views
Nanawagan sa sambayanang Pilipino ang development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging mapagmatyag laban sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Philippine constitution.
Ayon kay Caritas Philippines executive director Fr. Tony Labiao, dapat na maging maingat at mapanuri ang publiko sa mga layunin ng mga pulitiko hinggil sa charter change.
Ipinaliwanag ni Fr. Labiao na hindi pa rin malinaw ang intensyon ng mga nagsusulong ng pagbabago sa konstitusyon kaya’t makabubuting hindi basta-basta magtitiwala sa kasalukuyang ipinababatid nito sa publiko.
“The people must exercise good judgement and not be misled by the maneuverings of the proponents of charter change. They should look through the real agenda behind ChaCha and strongly reject any revision to the Constitution.”
Unang inihayag ni Fr. Labiao na mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng taumbayan upang mabantayan at hindi maisakatuparan ng iilan ang mga pansariling interes na nakapaloob sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Magugunita naman noong Pebrero 22, 2024 nang pangunahan ng Koalisyon Laban sa ChaCha: Simbahan at Komunidad Laban Sa ChaCha (SiKLab) ang prayer rally sa Intramuros, Manila.
Binubuo ang koalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang Caritas Philippines.