2,230 total views
Dalangin ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang kaligtasan at katatagan ng bawat isa sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Egay.
Ayon kay Bishop Mangalinao, ang katatagan ng pananalig sa Panginoon ang isa sa mga pananggalang na masasandigan mula sa pangambang nararanasan dahil sa kalamidad.
“[Typhoon] Egay is up in the air now and duly making its harrowing presence felt! We cannot be free from its threat. But certainly, we and our faithful could be shielded by our faith. As children of God, we bow in prayer for courage against the wrath of nature; for endurance to withstand the odds it brings; and for tenacity to begin again,” bahagi ng mensahe ni Bishop Mangalinao mula sa panayam ng Radio Veritas.
Hamon naman ng Obispo sa bawat isa na patuloy lamang na magtiwala sa kapangyarihan ng Panginoon na makatutugon sa anumang suliranin.
Gayundin ang pagtutulungan upang sama-sama muling harapin ang pag-asa kasunod ng naranasang pagsubok.
“We bear them all in faith. We face everything in trust! We walk together in gratitude for we have each other to lean on,” ayon kay Bishop Mangalinao.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit 44-libong pamilya o 180-libong indibidwal ang apektado ng kalamidad.
Sa ulat naman ng PAGASA, patuloy ang paghina ng bagyong Egay na huling namataan 195 kilometro kanluran ng Basco, Batanes, at kumikilos sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras