194 total views
Ito ang hamon ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa mga Filipino sa gitna ng lumalaganap na suliranin sa lipunan at sa nakaraang sunod-sunod na pagkitil sa buhay ng mga pari.
Ipinaalala ni Archbishop Caccia na ang pagiging saksi at pagpanig sa katotohanan ay kinakailangang may kaakibat na pagmamahal ng Panginoon.
Dagdag pa niya, sa paglalahad natin ng katotohanan sa ating kapwa, ay naibabahagi din ang pagmamahal ng Diyos na nagpapalaya sa mga tao mula sa kasamaan na daan sa pagbuo ng pagkakapatiran sa lipunan.
“We have to be ready to be witness to the truth but also, to show that the most important is the truth coincides with love because it is God. And so, offering the truth, we also offer the love of God as a way to be liberated by evil and also to build a more brotherly society in which each one could find a place, the place of love the children of God,” pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.
Umaasa si Archbishop Caccia na ang lumalaganap na pagpatay sa lipunan ay magiging paraan upang magkaisa ang mamamayan patungo pagbabago ng bawat Filipino na naaayon sa kalooban ng Diyos.
Kaugnay nito nagdaos ng Requiem Mass noong Lunes ang San Carlos Seminary, para sa tatlong paring pinaslang sa loob lamang ng anim na buwan.
Hinimok ni Father Joselito Martin, Rector ng Seminaryo ang iba pang mga pari na tulad ng mga martir, ang buhay ng mga naglilingkod sa Panginoon ay biyayang hindi dapat itago kundi dapat ibahagi sa kapwa.