277 total views
Ito ang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa programang Weaving Hearts sa huling araw ng Philippine Conference on New Evangelization.
Anim na kinatawan ng iba’t-ibang relihiyon o paniniwala gaya ng Muslim, Budhist, Jesus Christ of the Latter Day Saints, at protestante ang naging kalahok ng isinagawang ecumenical and interreligious dialogue.
Ayon kay Cardinal Tagle, mas madali sa panahon ngayon na magtastas o sirain ang pagkakahabi ng isang bagay, sa halip na buuin ito.
Dahil dito, sinabi ni Cardinal Tagle na hamon sa mga mananampalataya, lalo’t higit sa mga dumalo ng PCNE na maging tagapaghabi ng komunidad o ng lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat isa.
“It is easier to disentangle than to weave. Mahirap maghabi, but how easy it is to pull one thread and destroy the whole fabric. We recognize that we cannot weave with only one thread. Kailangan nating tanggapin, kailangan din ng iba’t-ibang sinulid. We need diversity and even diverse colors.” pagninilay ni Cardinal Tagle.
Hinimok pa ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na gamitin ang kanilang leadership potential sa paghahabi ng nagkawatak-watak na komunidad dahil sa iba’t-ibang sitwasyon sa buhay.
Ipinaalala ng Kardinal na hayaan nawa ng bawat isa na gamitin tayo ng Espiritu Santo bilang tagapaghabi ng pagkakaisa at hindi maging sanhi ng pagkasira at kaguluhan.
“We allow ourselves to be agents of Holy Sprit. We don’t need to keep destroying the clothes already woven by our ancestors, our fore fathers and mothers, our great weaver of humanity, religions and wisdom. Whenever there is an event of disentangle in the thread, we need weavers. Let the PCNE delegates, mga bata, mga middle aged, at yung mga katulad ko na vintage, let us make a commitment we will collaborate with the Holy Spirit in weaving human stories.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.