409 total views
Mahalagang kilalanin at matukoy ang pagkakaiba ng bawat Kristiyanong komunidad upang matamo ang pagkakaisa.
Ayon kay Reverend Father Antonio Labiao Jr., Vicar General for Pastoral Affairs ng Diyosesis ng Novaliches at Parish Priest ng Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd, hindi hadlang sa pagkakaisa ng lipunan ang pagkakaiba ng pananampalataya sapagkat iisang Diyos lamang ang sinasamba at pinapapurihan.
“As a Christian group it’s good to identify our differences and appreciate what we have but it’s not also the hindrance to have a unity; coming together always is a good way of fostering that unity,” pahayag ni Fr. Labiao sa Radio Veritas.
Ika – 25 ng Enero ng pormal na magtapos ang Week of Prayer for Christian Unity na may temang ‘They Showed Us Unusual Kindness’ sa inisyatibo ng Diyosesis na ginanap sa Good Shepherd Cathedral sa pangunguna ng Ministry of Ecumenism at Quezon City Ecumenical Fellowship.
Tiniyak ng pari na patuloy ipalaganap at palawakin ng diyosesis sa mga parokya at komunidad ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang denominasyon upang tunay na makamtan ang kapayapaan.
“It’s really encourage in every parish to foster that ecumenical spirit to have a partnership with other religious groups in terms of service and spirituality,” saad ni Fr. Labiao.
Umaasa si Fr. Labiao na magkaisa ang buong sambayanan tungo sa pagbubuklod-buklod at sama-samang pagsamba sa nag-iisang Diyos.