Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 34,414 total views

Mga Kapanalig, sa isang misa para sa pagsisimula ng Adbiyento, hindi bababa sa apat na katao ang namatay at mahigit 40 naman ang nasugatan matapos ang pagsabog sa gymnasium ng Mindanao State University (o MSU) sa Marawi. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, inaalam pa ng kinauukulan kung sinu-sino ang nasa likod na karumal-dumal na pangyayaring ito. May mga hinalang kaugnay ito ng pagkakapatay ng militar sa labing-isang miyembro ng Dawlah Islamiyah. Ang Dawlah Islamiyah ay itinuturing ng gobyerno bilang isang teroristang grupong konektado sa mga nais magtatag ng isang Islamic State sa Mindanao. Ang pagsabog sa MSU ay baka raw paghihiganti ng grupo sa pagkakapatay sa kanilang mga kasapi.

Pero hindi pa man malinaw kung ang grupong ito nga ang may gawa ng pagsabog, mabilis na naglabasan, lalo na sa social media, ang mga komentong sinisisi ang Islam at ang mga Muslim. Kung saan may kaguluhan, giyera, at terorismo, lagi raw may mga Muslim. Hindi raw totoo ang pagiging “religion of peace” ng Islam. Nakaugat na raw ang paggamit ng karahasan sa relihiyong Islam.

Napakadaling sabihin ang mga bagay na ito ng mga taong hindi lubos na nauunawaan ang relihiyong ito. O kaya naman—at ito marahil ang mas mabigat tanggapin—hindi natin ganap na naiintindihan ang marami, malalim, at kawing-kawing na ugat ng karahasan. At sa isang bansang nasa anim na porsyento lamang ng populasyon ang Muslim, napakadaling ikabit sa kanilang relihiyon ang mga maling gawaing ginagawa ng iilan sa kanila. Hindi ba kayo nagtataka na walang karahasang ginawa ng isang Kristiyano—katulad ng mga Katoliko—ang ikinokonekta ang pangyayari sa kanyang relihiyon? 

Ang mabilis na pag-uugnay sa karahasan at pananampalataya ay parang panggatong na dumadagdag sa apoy ng hindi pagkakasundo. Inililihis tayo nito sa katotohanang ang tinatawag na extremist violence ay bunga ng napakakumplikado at masalimuot na mga kalagayang pampulitika at panlipunan. Magkakaroon ba ng karahasan kung tunay na makatarungan ang ating lipunan? May mananakit ba ng kanilang kapwa kung lubusang naiintindihan ng mga tao ang dignidad ng iba? May magiging marahas ba sa kanilang kababayan kung ang mga istruktura ng ating lipunan ay patas sa lahat at walang pinapaboran? Maaaring may impluwensya ang relihiyon sa mga sangkot sa mga gawaing marahas, ngunit hindi ito dahil iyon ang itinuturo sa mga mananampalataya. Nagiging parte ang relihiyon sa karahasan dahil inaabuso at binabaluktot ito. Ang masama pa, naging kalakaran na, lalo na sa media, ang ipahiwatig na dahilan ang relihiyon ng karahasang nag-uugat talaga sa diskriminasyon, katiwalian, pang-aabuso, at matinding kahirapan. 

Terrorism threatens, wounds, and kills indiscriminately; it is gravely against justice and charity.” Iyan ang mababasa natin sa mga turo ng ating Simbahan. Anuman ang relihiyon ng mga nasa likod ng terorismo, tahasan nilang sinasalungat ang katarungan at pagkakawanggawa. Kaya walang makapagbibigay-katwiran sa karahasan, lalo na sa terorismo, kahit pa ang relihiyon ng mga gumagawa nito. Tayong mga Kristiyano ay inuudyukang tumalikod sa karahasan. 

Sa Mga Kawikaan 6:16-19, ipinaaalala sa ating “kinamumuhian ni Yahweh… ang mga pumapatay sa walang kasalanan, ang pusong sa kapwa’y walang mabuting isipan, [at] mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan.” Mahalagang turo ito para sa lahat—hindi lamang sa mga nagbabalak gumawa ng masama sa iba kundi sa mga taong mabilis husgahan ang kanilang kapwa batay sa relihiyon o paniniwala.  

Mga Kapanalig, ang mga relihiyon, sabi ni Pope Francis sa Fratelli Tutti, ay may malaking ambag sa pagtatatag ng pagkakapatiran at sa pagtatanggol sa katarungan. Hindi ito magiging posible kapag binabaluktot natin ang mga turo ng ating relihiyon o kapag ginagamit natin ito upang kamuhian ang iba.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 5,685 total views

 5,685 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 20,341 total views

 20,341 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 30,456 total views

 30,456 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 40,033 total views

 40,033 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 60,022 total views

 60,022 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 5,686 total views

 5,686 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,279 total views

 1,279 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 20,342 total views

 20,342 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 30,457 total views

 30,457 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 40,034 total views

 40,034 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 60,023 total views

 60,023 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 46,429 total views

 46,429 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 41,454 total views

 41,454 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,023 total views

 45,023 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 57,478 total views

 57,478 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 68,545 total views

 68,545 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 74,864 total views

 74,864 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 79,476 total views

 79,476 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,036 total views

 81,036 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 46,597 total views

 46,597 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top