Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maglaan ng panahon sa pagdalaw sa mga puntod, paanyaya sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 21,057 total views

Hinimok ng kura paroko ng Ina ng Laging Saklolo Parish sa Bagong Silang, Caloocan City ang mga mananampalataya na paglaanan ng panahon ang pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Fr. Leoncito “Falky” Falcasantos, ang paglalaan ng panahon sa mga yumao ay pagpapakita ng paggalang sa kanilang naiwang alaala noong sila ay nabubuhay pa.

Sinabi ni Fr. Falcasantos na sa pamamagitan nito’y nakakapag-alay ng panalangin ang bawat isa upang makamtan ng mga kaluluwa ang kapatawaran sa mga nagawang kasalanan at ang makalangit na pagpapala ng Diyos.

“Huwag kalimutan na ipanalangin natin ang mga kaluluwa ng ating mga kamag-anak at nawa sa tulong ng ating mga dasal, sila ay makapagpahinga nang maayos sa piling ng ating Panginoong Poong Maykapal,” paanyaya ni Fr. Falcasantos sa panayam ng Radio Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Falcasantos ang banal na Misa at pagbabasbas sa mga puntod ng mga yumao sa Tala Cemetery bilang paggunita sa lahat ng mga pumanaw na kristiyano.

Ibinahagi rin ng pari na maaaring makatanggap ng indulhensya plenarya o kapatawaran sa mga nagawang kasalanan ang mga kaluluwa sa purgatoryo sa paggunita sa araw ng banal at yumaong mahal sa buhay.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbisita sa mga simbahan at sementeryo; pananalangin para sa mga yumao; pagtanggap ng Banal na pakikinabang; pananalangin para sa mga intensyon ng Santo Papa Francisco, at pangungumpisal mula o sa pagitan ng unang araw hanggang ikawalong araw ng Nobyembre.

“Hinihikayat din tayo na kung tayo ay nasa estado ng ating kaluluwa—state of grace—na kung saan ay maaari tayong makakuha ng indulgences sa araw na ito, at kung hindi man, within this week ay mafulfill natin ‘yung indulgences,” saad ni Fr. Falcasantos.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga Banal na Misa sa mga parokya sa bansa upang gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay gayundin sa mga sementeryo kung saan bukod sa misa ay magkaroon din ng pagbabasbas sa mga puntod.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 57,009 total views

 57,009 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 67,008 total views

 67,008 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 74,020 total views

 74,020 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 83,698 total views

 83,698 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 117,146 total views

 117,146 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 12,213 total views

 12,213 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 14,247 total views

 14,247 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top