19,255 total views
Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan.
Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024.
Ayon kay Bishop Dael, ang bawat ambisyon sa buhay ay may kaakibat na tungkuling maglingkod para sa kabutihan at kapakanan ng kapwa na isang napapanahong mensahe para sa mga nagnanais na kumandidato para sa papalapit na 2025 Midterm Elections.
“When we desire and dream for something it is not for ourselves it is for service; it is for others. Ambition, desires and dreams are meant to be gateways, doors like this church many doors, they are gateways to self-giving. They are not meant for entitlement or domination, if you want to be a lawyer, a businessman, a teacher, a farmer, a fisher folk, or even a student, or government public servant, a priest, a bishop all these desires, these ambitions are meant to serve others.” pagninilay ni Bishop Dael.
Pagbabahagi ng Obispo ang tunay at pinakamalaking katuparan ng paglilingkod para sa isang nilalang ay ang pagdudulot ng pagbabago at pagkakaroon ng magandang epekto sa buhay ng kapwa tao.
Paliwanag ni Bishop Dael, ang taong tunay na nagnanais na maglingkod ay handang magtiis o magdusa sa kabila ng kawalan ng naaangkop na pagkilala tulad ng naging buhay ni Hesus sa kanyang pagsasakatuparan sa pangakong kaligtasan para sa sanlibunan.
Iginiit ng Obispo na ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa dami ng mga lingkod o tagasunod sa halip ay nakasalalay sa dami ng mga natulungan at napaglingkurang indibiwal.
“The greatest fulfillment of a person does not come from salaries; it is coming from the realization of real service of making a difference in the lives of people. Service makes us great people, great persons and this is where fulfillment and meaning comes from. Only a person who is truly committed to service is willing to endure suffering even if that person is not recognized, not appreciated or even misunderstood like Jesus who said “the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his love as a ransom for many”. Our greatness does not come from the number of servants we have, our greatness comes from the number of people we serve.” Dagdag pa ni Bishop Dael.
Tema ng World Mission Sunday 2024 ang “Go and Invite Everyone to the Banquet,” na layuning isulong ang misyong palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon sa mas nakararami.