Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

SHARE THE TRUTH

 17,140 total views

Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024.

Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa.

Sinabi ng kanyang Kabunyian na bilang Atenista ay nararapat na isabuhay ang pagiging totoong tao at totoong kapwa tao sa labas ng Ateneo o sa pamayanan at lipunan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang isang daan patungo sa pagiging totoong tao at kapwa tao ay napapaloob sa letter of St.Paul to the Ephesians “For you were once darkness, but now you are light in the lord.
Live as children of light”.(Ephesians 5:8). We are not called to be light by ourselves but to be light in the Lord. Jesus says in the Gospel of St John, “I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life.” (John 8:12).

Nilinaw ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng liwanag ay mababanaag natin ang isang totoong tao at totoong lingkod ng kapwa tao.

Ipinaalala ng kanyang Kabunyian na madalas hindi nakikita ng tao ang kabutihan at kagandahan ng kapwa kapag binabalewala nito ang liwanag ng panginoon.

Inihayag pa ni Cardinal Tagle na laganap ang kadiliman si mundo dahil sa “huwad na liwanag”, kung saan itinatago ng marami ang liwanag sa kapwa, sa simbahan at lipunan dahil sa pagiging makasarili at katamaran na nagiging sanhi ng paglaganap ng kadiliman.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle ang mga taong ginagawa ang lahat para makilala ang sarili at pinagsisilbihan lamang ang sarili tulad ng mga halal na opisyal ng pamahalaan.

“There are also many people who seek their own glory; they seek adulation, likes and followers. They do not retreat to the background. Just look around our towns and cities. Every lamppost must have the name of the donor. Every bench must memorialize a benefactor’s family. Every playground must bear the name of the official who constructed it. Every spotlight must be focused on them. They end up serving themselves more than others. In fact they could be manipulating people and situations to serve their fame and power. That is how darkness spreads. “bahagi ng habilin ni Cardinal Tagle sa mga Ateneans

Ang mga problema at hamon ni Cardinal Tagle sa mga graduate ay sumasalamin sa kasalukuyang problema ng education system sa bansa.

Nabatid sa pag-aaral ng IBON foundation na tumaas ang “job losses” o bilang ng mga nawalan ng trabaho sa unang quarter ng taong 2024 na naitala sa 1.3-milyon mula sa
49.3 milyon na employed noong unang quarter ng 2023 ay bumaba ito sa 48-milyong sa first quarter ng 2024.

Base naman sa April 2024 Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority, umabot sa 50.31-milyon ang mga Filipino na may edad 15-taong gulang pataas ang napabilang sa labor force noong April 2023 ngunit bumaba ito sa 48.9-milyon nitong April 2024.

Sa inilabas na Basic Education Report 2023 ng Department of Education, tinukoy ang mga problemang kinakaharap ng public school sa bansa tulad ng school facilities at learning resources.

Sa buong bansa ay mayroon lamang na 327,851 school buildings kung saan 104,536 ang kalagayan.

Tinukoy din sa ulat ang problema sa curriculum at employability kung saan lumabas sa 2018 Programme for International Students Assessment (PISA) na 81-percent ng mga Filipino students ay hindi kayang sagutin ang basic math problems, 81-percent din ang hindi nakakaunawa sa moderate text length, 78 percent ang hindi nakakaunawa at nakakasagot ng tamang scientific phenomena at magbigay ng conclusion sa ibinigay na data o datos.

Ang problemang ito ay hindi natugunan ni VP President Sarah Duterte bago magbitaw sa puwesto bilang secretary ng Department of Education.

Sinabi ng kanyang Kabunyian sa kanyang keynote speech na ang laganap ang kadiliman sa mundo ay resulta ng kabiguan ng tao na kahinaan at tinalikuran ang totoong pagkatao at kapwa tao upang manatili ang pride, maabot ang ambisyon at kumamkam ng kayamanan.

Hinimok naman ni Cadrinal Tagle ang lahat ng mga graduates na huwag maging pabigat sa lipunan at maging humble(mapagkumbaba)

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 7,830 total views

 7,830 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 26,562 total views

 26,562 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 43,149 total views

 43,149 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 44,420 total views

 44,420 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 51,871 total views

 51,871 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 4,523 total views

 4,523 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,204 total views

 8,204 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 69,087 total views

 69,087 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

 27,043 total views

 27,043 total views Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL). Ayon kay Customs

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top