25,947 total views
Inilaan ng Archdiocese of Manila sa mga kabataan ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Agosto 2024.
Sa sirkular ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa mga kabataang Manileño bilang paghahanda sa nakatakdang Archdiocesan Youth Month sa Setyembre.
Nakatakda ang MAGPAS sa ika-3 ng Agosto 2024, ganap na alas-otso hanggang alas-unse y medya ng umaga sa Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.
“In preparation for the Archdiocesan Youth Month in September, the MANILA ARCHDIOCESAN GENERAL PASTORAL ASSEMBLY for the month of August will be a special edition dedicated to our Young Manileños. I am pleased to invite your young leaders (maximum of two youth) to be part of this MAGPAS on 3 August 2024, from 8:00am to 11:30am at the Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.” bahagi ng sirkular ni Cardinal Advincula.
Ayon kay Cardinal Advincula, tatalakayin sa MAGPAS 2024 ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng misyon na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa sangkatauhan.
Magsisilbing pangunahing tagapagsalita at panauhin sa MAGPAS 2024 si Sr. Nathalie Becquart, XMCJ -ang Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops, na kilala rin sa kanyang pambihirang pangangalagang pastoral at bokasyon para sa mga kabataan.
“Joining us in this MAGPAS is Sr. Nathalie Becquart, XMCJ, Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops. She is known for her exemplary commitment to the pastoral care of the young and promotion of vocations. This is a unique oppurtuniry to engage in meaningful dialogue and explore how we can collectively work in fostering the synodal dynamism and rediscover our ministry in the synodal light.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Umaasa ang Cardinal na maging daan ang MAGPAS upang ganap na makapagnilay at makapag-alay ng sama-samang panalangin ang mga mananampalataya para sa ikabubuti ng sanlibutan.