342 total views
Ito ang paanyaya ni Parañaque Bishop Jesse Mercado sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng ika-33 taong kapistahan ng Our Lady of Del Pilar Parish sa Las Piñas City.
Sa misa para sa kapistahan na pinangunahan ng Obispo, ipinaliwanag nitong pinupuspos ng biyaya ng Panginoon ang bawat mananampalataya.
Dahil dito isang dakilang paraan ng pagpapasalamat sa biyaya ng Diyos ay ang pagdiriwang ng banal na Eukaristiya.
Tiwala si Bishop Mercado na sa pakikiisa sa banal na misa ay matularan ng mga mananampalataya si Mariang Birhen ng del Pilar na tumatalima at kumikilala sa pagkadiyos ng Panginoon.
“Dapat tayo sa pagsisimba natin everday ganun dapat ang unang disposisyon natin ‘pag pasok sa misa sasabihin natin, “Lord, [we’re] happy that we are here becaue we recognize you are a God.” Pahayag ni Bishop Mercado sa pagninilay.
Sinabi ng Obispo na kapag ang isang tao ay kumikilala sa Diyos at nagpapahayag ng pasasalamat ay nararamdaman nito ang pangangailangan ng kapwa.
“A person who is blessed so much, cannot give the blessing to himself. When we have been blessed by God, and we thank God for it, then God says, “Now, I want you, because I have blessed you so much, to use that so that others may be able to discover my love for them.” Dagdag pa ng Obispo.
Tema sa kapistahan ng Our Lady of del Pilar parish ngayong 2019 ang “Mga Kabataan para kay Inang Maria.”
Ito na ang ika 33 taong kapistahan ng parokya mula nang maitatag ito noong 1986.