215 total views
Nawa ang paggunita sa kaarawan ng Mahal na Ina ay magpaalala sa bawat isa na higit pang mapalapit sa Panginoon.
Ito ang mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng sambayanang Katoliko ng kaniyang kaarawan ngayong ika-8 ng Setyembre.
“May this celebration deepen and strengthen our faith. Mary always brings us closer to her Son, our Lord. Remember what she said in Cana: Do whatever he tells you. And in Calvary, our Lord declared her as Our Mother,” ayon kay Archbishop Valles.
Sinabi ng Arsobispo na ang Mahal na Ina ang patuloy na gumagabay sa atin para ilapit sa kaniyang Anak na si Hesus na nagbuwis ng buhay para sa ating kaligtasan.
“And we have countless testimonies of how wonderful a Mother she is to us. We have so many stories of how our Blessed Mother has moved us to Conversion and Repentance. Let us renew our trust in her love for us. Blessed Mother, pray for us,” Ayon pa sa mensahe ng Arsobispo.
Sa hiwalay na pahayag, Inaanyayahan naman ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang kaarawan ng Mahal na Ina sa pamamagitan ng pasasalamat.
“We greet our Blessed Mother on her natal day. Birthdays are associated with wishes. What would be her birthday wishes? Surely she wants us to obey her Son Jesus, to come to Him and follow Him. What would be our birthday wishes? It is for us to be under her maternal protection and to be with her in Heaven. As we greet our Blessed Mother, let us be thankful to God for giving us a Mother whom our Savior comes and we are forgiven and saved,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.
Ang Pilipinas ay kilala sa Pamimintuho at Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen.
Sa katunayan, tinagurian din ang Pilipinas bilang ‘Pueblo Amante de Maria’ kung saan higit sa 40 imahen ng Mahal na Birhen ang ginawaran ng ‘Canonical Coronation’ sa buong bansa.
Inaanyayahan naman ng Radio Veritas ang mga mananampalataya na bisitahin ang Marian Healing Exhibit sa Shangrila Plaza sa Mandaluyong City na magtatapos sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.