599 total views
Pinag-iingat at pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga manggagawang kabilang sa sektor ng agrikultura sa pananalanta ng Bagyong Odette.
Inaasahang lumakas pa ang bagyo at ganap ng maging ‘TYPHOON CATEGORY’ sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago mag-landfall sa Huwebes.
Hinimok ni Noel Reyes, Agriculture Assistant secretary for Strategic Communications at DA Spokesperson Noel Reyes ang mga magsasaka sa Eastern Visayas at Caraga na anihin ng maaga ang mga pananim.
Sinabi ni Reyes na kasama ng paghahanda ang pagtitiyak na may seed reserves na itatanim, mayroong sapat na kakainin ang mga alagaing hayop at pagtitiyak na ligtas ang mga makinarya at iba pang kagamitan sa pagsasaka gayundin pagtiyak na hindi bahain ang lupang sakahan.
“Farmers are advised to harvest matured crops and utilize post-harvest facilities; secure seed reserves, planting materials and other farm inputs, as well as feed and water for livestock; relocate animals, farm machineries, and equipment to higher ground; and clear drainage in irrigation and rice paddies from obstructions to prevent flooding,” panawagan ni Reyes sa pamamagitan ng Radio Veritas.
Inabisuhan naman ng D-A ang mga mangingisda na maagang mangisda at ilagay sa ligtas na lugar ang mga bangka, barkong pangisda at huwag ng pumalaot bago manalasa ang bagyo.
“Fisherfolk are advised to perform early harvest and mobilize post-harvest equipment and facilities; secure fishing vessels in higher ground; and dismiss sea travel as potentially rough conditions prevail over affected seaboard” ayon pa kay Reyes.
sa pinakahuling datos ng DA Disaster Risk Reduction Management Operations Centers, mahigit na sa 3-bilyong piso ang naluging halaga ng sektor ng agrikultura bunsod ng pananalasa ng mga nakalipas na bagyo sa Pilipinas.
Nauna rito, nagpahayag narin ng kahandaan ang Diyosesis ng Catarman at Butuan kahandaan sa inaasahang pananalasa ngd Bagyong Odette sa Huwebes.
https://www.veritas846.ph/diyosesis-sa-eastern-visayas-at-caraga-nakahanda-sa-bagyong-odette/