1,913 total views
Inaasahan ni Prelatura de Isabela Bishop Martin Jumoad na mapigilan na ng bagong administrasyon ang mga foreign vessel na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatan ng Mindanao partikular sa Sulu at Basilan.
“Foreign vessels which siphoned the fish of Mindanao particularly in the seas of Sulu and Basilan must be stopped,”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas.
Umaasa din ang Obispo na mabigyang pansin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking problema ng lalawigan sa kooperatiba.
Sinabi ni Bishop Jumoad na sa kasalukuyan, umaabot ng 8-libong manggagawa ng rubber plantation sa kanilang lugar ay nawalan ng trabaho dahil sa maling pamamalakad at kawalan ng pagkakaisa ng mga kooperatiba.
“The problem on cooperatives here in Basilan must be given attention now. Most rubber cooperatives are in disarray here in Basilan and around 8,000 rubber plantation workers lost their jobs,”dagdag pahayag ng Obispo.
Kasabay nito ang pag-asa ng Obispo na hindi lamang tututok ang bagong administrasyon sa Bangsamoro Basic Law kundi solusyunan ang kanilang problema sa sektor ng agrikultura tulad ng pananalasa ng Cocolisap sa mga niyugan sa Mindanao.
“Problem also on Cocolisap. The Aquino government was too focused on BBL that agriculture was given less attention here in Basilan,”pahayag ng Obispo.
Nabatid mula sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics, 100-percent ng rubber production ay mula sa Mindanao habang 88.8-percent ang pinya, 81.1-percent ang produksyon ng saging at 76.8-percent ng cassava production ay mula sa Mindanao.