420 total views
Umaasa ang Kanyang Kabanalan Franciso na pagsisihan ng mga naghahasik ng karahasan sa Iraq sa tulong ng habag at awa ng Panginoon ang mga maling gawain.
Ito ang bahagi ng panalangin ng Santo Papa sa pagbisita sa Mosul partikular sa Hosh-al-Bieaa nitong Marso 7, 2021.
“We also pray to You for those who caused such harm to their brothers and sisters. May they repent, touched by the power of your mercy,” panalangin ni Pope Francis.
Ipinagkatiwala ng Santo Papa sa Panginoon ang mga namayapang biktima ng karahasan sa naturang bansa lalo na ang mga inosenteng indibidwal na naipit sa kaguluhan.
Iginiit ni Pope Francis na ang Panginoon ay ang pinagmumulan ng buhay, kapayapaan at pag-ibig kaya’t dapat na maipadama ito sa kapwa. “If God is the God of life – for so he is – then it is wrong for us to kill our brothers and sisters in his Name; If God is the God of peace – for so he is – then it is wrong for us to wage war in his Name; If God is the God of love – for so he is – then it is wrong for us to hate our brothers and sisters,” giit ng Santo Papa.
Apela ni Pope Francis sa mamamayan ng Iraq na magbuklod-buklod sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya upang matamo ang mapayapang lipunan.
Sa tala ng public database na Iraq Body Count humigit kumulang 280-libo ang nasawi sa karahasan kabilang na ang mga terorista.
“To You we entrust all those whose span of earthly life was cut short by the violent hand of their brothers and sisters; Make us recognize that only in this way, by putting it into practice immediately, can this city and this country be rebuilt, and hearts torn by grief be healed,”pahayag ni Pope Francis.
Si Pope Francis ang kauna-unahang Santo Papa na nagtungo sa Iraq makaraang maantala noong 1999 ang apostolic visit ni St. John Paul II dahil sa umiral na digmaan.