586 total views
Inanyayahan ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya at iwasan ang pagsasayang ng tubig.
Ang panawagan ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs ay kaugnay na rin sa kakapusan ng suplay ng tubig na nararanasan lalu na sa Metro Manila.
Ang Pista ni San Juan Bautista ay kilala sa tradisyon ng pagsasabuyan ng tubig o ‘basaan’ bilang paggunita sa Act of Baptism nang binyagan niya ang ating manunubos na si Hesus.
“Those who will celebrate the feast of St. John the Baptist should be smart enough not to waste water for the sake of merriment especially in this time of water shortage,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Jerome Secillano sa Radyo Veritas.
Paliwanag ng Pari, ang pagdiriwang at pagpapamalas ng pananampalataya ang tunay na diwa ng paggunita sa kapistahan ng mga Santo at hindi ang pagpapamalas ng mga kaugalian, nakasanayan at tradisyon.
“The lack of “water splashing” should not dampen their fiesta spirit. Fiesta, after all, is a joyous celebration of faith and not of some mundane cultural traditions or customs.” Dagdag pa ni Fr. Jerome Secillano.
Buwan ng Marso ng makaranas ng kakulangan sa supply ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila na aabot sa 52-libong kabahayan ang nawalan ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam na pinakamababa sa loob ng 12-taon.
Itinuturing namang pambihira ang kapistahan ni San Juan Bautista sapagkat siya ang natatanging santo na ipinagdiriwang ang Simbahan ang kapistahan ang kapanganakan sa halip na ang kanyang kamatayan o magiging martir.
Ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo na nakapaloob sa kwento ng kanyang kapanganakan ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako at ang ipinapakita nitong mayroong tinakdang gampanin sa buhay ang bawat isa na inilaan ng Panginoon.