206 total views
Ito ang paalala ni Diocese of Marbel Bishop Emeritus Dinualdo Gutierrez sa bagong talagang Obispo ng kanilang diyosesis na si Bishop Cerilo Allan U. Casicas.
Ayon kay Bishop Gutierrez, mahalagang pangalagaang mabuti ng Obispo ang kanyang nasasakupan at huwag itong matakot na manindigan at ipagtanggol ang kanyang kawan lalo na sa pagkakataong inuusig ang pananampalatayang Kristiyano at lumalaganap ang karahasan sa lipunan.
Dagdag pa ng Obispo, mahalagang tandaan ni Bishop Casicas na lagi nitong kasama ang Panginoon sa kanyang pagmimisyon bilang bagong Obispo ng Diyosesis ng Marbel.
“Three words, love your flock, that’s my message to him, another is do not fear, [and] God is with you.” pahayag ni Bishop Gutierrez.
Tiniyak naman ni Bishop Gutierrez ang kanyang suporta at paggabay kay Bishop Casicas sa kanyang pagpapatuloy ng misyon at mga adbokasiya ng simbahan.
Tinatayang aabot sa 1.5milyong mga mananampalatayang Katoliko ang pangangasiwaan at gagabayan ni Bishop Casicas sa loob Diocese of Marbel.