235 total views
Ito ang tagubilin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kay Bishop Jose Elmer Mangalinao na itinalaga bilang ikatlong Obispo ng Diocese ng Bayombong.
Ang Canonical Installation ay ginanap sa Cathedral of St. Dominic sa Bayombong, Nueva Ecija na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Caccia na dinaluhan ng may 20 mga Obispo mula sa iba’t ibang Diyosesis.
Sa kanyang Homiliya, sinabi ng Arsobispo ang mga Pari na nasa ilalim ng kanyang kalinga bilang Obispo ang kaniyang magiging katuwang sa pagpapaigting at pagpapatatag ng Pananampalataya ng mga residente ng Bayombong.
“If you love the Catholic Faithful, love the Catholic Priests because the Priests are your face, are your hands, are your voice. There is no way for you loving the faithful and not your pastors. Every Priest is a sign that God loves his people, it is a sign, He lives among his people. Let your Holiness reflect on the Ministry of every Priest. Your Priest’s is your other you. Bishops and Priests that work together will create a Revolution of Holiness.” pahayag ni Archbishop Caccia
Hinihikayat naman Archbishop Caccia ang mga pari at mananampalataya ng Bayombong na maging mabuting taga-sunod ng Diyos katuwang ang mga pinuno ng Simbahan.
“The real help that we can give to a Bishop is to be a better Disciple of Jesus and let us start today to be a better person,” ayon sa Archbishop Caccia.
Iginiit ni Archbishop Caccia na bawat araw ay pagkakataon at hamon sa pagpapanibago bilang mga taga-sunod ng Diyos.
Dagdag pa niya ang pagtutulungan ng bawat isa ang malaking tulong sa bagong talagang Obispo para sa pagpapatatag ng Sambayanan ng Diyos.
Pinasalamatan din ng Nuncio ang mga Obispo at mga lider ng Pamahalaan na dumalo sa pagdiriwang.
“Their Presence remind them to you that they will always here to support you. The presence of Authority of state, Governors, Mayors they are all here to serve the people in a different way. We are working hand in hand for the people. And it is good to work in Communion,” dagdag pa ni Archbishop Caccia.
Bago itinalaga bilang Obispo ng Bayombong, nagsilbi bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan si Bishop Mangalinao na isang pari mula sa Diocese ng Cabanatuan.
Si Bishop Mangalinao ay itinalaga ng Santo Papa Francisco kahalili ng nagretirong si Bishop Ramon Villena bilang tagapangalaga ng 20 parokya na pinangangasiwaan ng may 33 mga Pari.