401 total views
Muling ipinapanawagan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan na higpitan ang mga ipinatutupad na polisiya sa mga imported frozen meats katulad ng karne nang manok.
Kasunod ito nang ulat ng Department of Agriculture (DA) na Avian Influenza o Bird Flu outbreak sa mga alagaing Pugo at Bibe sa ilang lalawigan sa Pilipinas.
“For the past year ang inulit-ulit natin yung border natin dapat lahat ng nakapasok na produkto i-test and remember mga ilang months ago na baka yung susunod na outbreak natin is itong bird flu na, so ngayon nandiyan na dahil tuloy-tuloy parin na hindi natin sinusuri yung parating na ating mga produkto,”pahayag ni So sa Radio Veritas
Iginiit ni So na dapat tiyakin ng gobyerno na hindi makakapasok sa bansa ang ibat-ibang uri ng virus, bacteria at parasites sa mga agricultural products.
“Maski gaano tayo ka strict dito sa borders natin sa loob kapag yung borders nating paparating galing sa custom hindi natin sinusuri, papasok at papasok yon, yun ang inu-ulit-ulit natin,” giit ni So.
Unang nanawagan ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang sektor ng agrikultura na pangunahing lumikha ng pagkain higit na ngayong panahon ng pandemya.