184 total views
Maka – abot sana sa mga mahihirap na lalawigan ang proyektong pang- imprastraktura ng administrasyong Duterte.
Ito ang inihayag ni Catarman Bishop Emmanuel Trance, miyembro ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace sa inilaang P8-trilyong pisong pondo ng kasalukuyang administrasyon para sa pagpapasa – ayos ng mga transportation network sa bansa.
Ayon kay Bishop Trance, bilang obispo ng isa sa mga pinakamahihirap na probinsiya sa bansa ay magandang maidala sa kanila ang ilang proyektong pang – imprastraktura lalo’t ilan pa rin sa kanilang lugar sa Samar ay hindi pa rin nakababangon mula pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.
Panawagan pa ni Bishop Trance na bukas lagi ang Simbahan lalo na sa pagtukoy ng ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang diyosesis o nasasakupan sa mga dapat na tugunan ng pamahalaan.
“Sana iyong mga economic plan yung mga program ng gobyerno na ang budget na iyan ay iyong kanilang goal ay maiakyat and effectively matulungan ang mga mahihirap. From that perspective, we want to participate in the government. We encourage them na sana iyong sinasabi nila na totoo iyong pag – prepare nila ng budget na iyan upang marami ang matutulungan hindi lang GDP ang maka – increase lalo na sabi nga ni Budget Secretary Diokno na ang measure ng programa nila ito ay makaka – improve, makakabago ng buhay ng Pilipino lalong – lalo na ang mga mahihirap,” pahayag ni Bishop Trance sa panayam ng Veritas Patrol.
Naunang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na aprubado ang inisyal na listahan ng 18 proyekto na tutukan at tatapusin na pinonduhan na ng P427.5 bilyong piso kasama na ang mga daan, tulay at mga riles ng tren.
Magugunitang nais humingi ng emergency powers ni Pangulong Rodgrigo Duterte upang solusyunan ang problema ng trapik sa bansa na nagrersulta ng pagkalugi ng bansa araw – araw ng P2.4 na bilyong piso ayon sa pag – aaral ng Japan.
Pinaalalahanan naman ni dating CBCP – president Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang taumabayan na bantayan ang mga gastusin ng pamahalaan.