Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makabata hotline, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 1,406 total views

Kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Office on the Protection of Minors (CBCP-OPM) ang inisyatibo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Mahalin at Kalingain ating mga Bata o Makabata Hotline program laban sa Child Labor.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – miyembro ng CBCP-OPM, malaking tulong ang programa upang mapaigting ang pakikiisa maging ng mga payak na mamamayan sa pangangalaga sa karapatan ng mga bata.

Ito ay dahil sa tulong ng proyekto, mabilis na maipaparating sa DSWD at DOLE ang kaso ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso sa mga batang dapat sana ay malayang nakakapag-aral.

“Nagpapasalamat ako sa mga nasabing DOLE & DSWD officials sa paglulunsad nila ng MAKABATA HOTLINE, ito ay napakalaking tulong upang matugunan kaagad ang mga pang-aabuso sa mga bata kahit sa ano mang paraan, sana ang mga concerned citizens ay makipagtulungan sa mga nasabing ahensiya upang maireport nila ang mang klaseng pang-aabuso na ginagawa sa mga bata.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sa tulong ng Makabata Hotline ay maaring isumbong ng mga concerned citizens sa DOLE at DSWD ang mga kaso ng child labor at child abuse sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3, 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 at email address na [email protected].

Sa datos ng Philippines Statistics Authority noong 2021, umabot sa 31.47-million ang bilang ng mga nagtatrabahong kabataang nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang.

Habang noong 2022 ay naitala ng Council for the Welfare of Children na umabot sa siyam na libo ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kabataan sa buong Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 22,979 total views

 22,979 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 30,757 total views

 30,757 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 38,937 total views

 38,937 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 55,222 total views

 55,222 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 59,165 total views

 59,165 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 7,833 total views

 7,833 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 9,459 total views

 9,459 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top