506 total views
Hangarin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng maayos na ugnayan ang pamahalaan ng Hong Kong at mga Migrant Domestic Workers sa bansa upang makamit ang maayos na suweldo.
Ito ang mensahe ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Pilipino at iba pang dayuhang domestic workers na nagtatrabaho sa Hong Kong.
“We are always after the welfare and well-being of our Overseas Filipino Workers, praying for their safety and hoping all the best for them, we pray and hope for win-win solution for all,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Batid rin ng Obispo ang kahagalahan ng maayos na pagdedesisyon at pag-aaral sa panig ng Hong Kong government sa panawagan ng mga manggagawa na taas suweldo.
Ginawa ng Obispo ang pahayag matapos manawagan sa pamahalaan ng Hong Kong ang Asian Migrants Coordinating Body (AMCB) na itakda sa 6,014-Hong Kong dollars o 45-libong piso ang buwanang suweldo at dagdag na 3,023-Hong Kong dollars o 22-libong piso bilang monthly food allowance ang mga domestic workers.
“Additionally, the AMCB calls for 1) Regulation of working and resting hours. The already long working hours of migrant domestics is further exacerbated by the onset of the pandemic. With the government restrictions migrant domestic workers have been overloaded with additional work and extended working hours; 2) Ensure the payment of long service pay of migrant domestic workers who work for 5 years and more; and 3) Respect and uphold the right to have a rest day and statutory holidays. Due to stigmatization, many migrant domestic workers are still not allowed by their employer to have their days-off and statutory holidays,” ayon sa pahayag ng AMCB.
Inihayag ng pamahalaan ng Hong Kong na umaabot sa 4,630-Hong Kong Dollars o 34-libong piso ang ‘Allowable Minimum Wage’ ng mga Domestic Workers sa bansa.