35 total views
Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan.
Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ng Pangulo na sa higit isang dekadang pagsisikap na iantala ang parusang bitay, ay nagbunga na rin na tuluyang maisalba ang buhay ni Veloso at inaasahan nang makakabalik sa bansa.
“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ayon sa pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto gayundin sa pamahalaan ng Indonesia para mapauwi ng bansa si Veloso, at sa Pilipinas na bunuin ang nalalabing panahon ng kaniyang sentensya.
“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill. This outcome is a reflection of the depth our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion,” ayon pa sa pahayag.
Ang hakbang ng Indonesia ayon sa Pangulo ay sumasalamin sa malalim na ugnayan ng dalawang bansa bilang magkaalyadong nasyon at nagkakaisa sa layunin para sa katarungan at malasakit.
Read also: Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, ikinagalak ng CBCP-ECMI
Si Veloso ay nakulong sa Indonesia sa loob ng labing apat na taon dahil sa kasong drug smuggling noong 2010 at nananatili sa Death Row matapos magawaran ng temporary reprieve noong 2015.