350 total views
Nanawagan ang Commission on Human Rights para sa mas mapayapa, mahinahon at makataong pagpapatupad ng mga quarantine protocols bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, layunin ng mga panuntunan na maisalba at maprotektahan ang buhay at kapakanan ng bawat mamamayan at hindi magdulot ng panganib o kapahamakan.
“Amid the compounding difficulties that impact many vulnerable sectors, CHR reiterates the need for prudence and compassion in enforcing quarantine guidelines. The ultimate goal is to save more lives, not put human rights, including the right to life, in peril.” panawagan ng Commission on Human Rights.
Ang naturang panawagan ng kumisyon ay kasunod na rin ng panibagong insidente kung saan nasawi ang isang 12-taong gulang na hinabol ng mga barangay tanod dahil sa paglabag sa quarantine protocol sa Pasay City.
Ipinaliwanag ni Atty. De Guia na kabilang sa pangunahing layunin ng mga ipinatutupad na qurantine protocol ay ang maprotektahan ang mga kabataan mula sa virus at hindi upang maparusahan.
“Protecting children is among the primary aim of the quarantine guidelines with its restrictions for minors. It is deeply concerning and devastating when the implementation of this policy results in the deprivation of the utmost right to life of a child. According to a belated police report, 12-year old John Dave Pepito collapsed and died after being chased by two barangay tanods last 14 April 2021 in Barangay 179, Pasay City.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.
Iginiit ni De Guia na sa halip na parusahan ang mga kabataang nakalabag sa quarantine protocols ay dapat na i-turn-over ang mga ito sa kanilang mga magulang o kaya naman ay sa mga social workers upang mabigyan ng naaangkop na kaparusahan tulad ng intervention at pangangaral.
“Children who commit quarantine infraction must be handled with utmost consideration to their welfare and rights. The quarantine policy is in place to protect the minors and the community, not to harm them. We also remind authorities that minors who are guilty of violating quarantine rules must be turned over to their parents, guardians, and/or a social worker so they are given proper interventions, guidance, and/or advice.” Ayon pa kay Atty. De Guia.
Ibinahagi rin ng tagapagsalitan ng kumisyon na kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng CHR Investigation Office ang naganap na insidente upang magkaroon ng patas na pagsusuri sa tunay na naganap na insidente.