4,606 total views
Kinatigan ng isang dalubhasa sa batas ang paninindigan ng Taguig City na hindi na kinakailangan ang writ of execution para ipatupad ang ‘take over’ ng Taguig sa mga EMBO barangays na dating nasa pangangasiwa ng Makati City.
Ayon kay dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hindi naman ejectment case ang usapin at malinaw na rin ang inilabas na desisyon ng Mataas ng Hukuman.
Sinabi pa ng abogado na base sa 53 pahinang desisyon ng korte hindi na kailangan ang transition period sa sinasaad ng kautusan ang “stop exercising jurisdiction” na malinaw na nagsasabing ibigay ang pamamahala sa Taguig City.
Nilinaw ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa mula sa Office of Court Administrator (OCA) na nagsasabing kinakailangan pa ng writ of execution gayung desisyon naman ng Supreme Court ang pinanghahawakan ng Taguig.
Ipinaliwanag pa ng abogado ang writ of execution ay para sa ejectment case tulad halimbawa ng may umuupa sa isang property na nais paalisin.
Dagdag pa niya, “Kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo yung nakatira sa iyong property, giit ni Angeles, hindi ejectment case ang Taguig-Makati row.”
Sa July 8, 2011 decision ni RTC Pasig City Branch 153 President Judge Briccio Ygaña pinaboran ang Taguig sa inihaing Civil Case na Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of Taguig, iniutos naman ng Regional Trial Court na ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4, Psu-2031 ay bahagi ng teritoryo ng Taguig.
Nakapaloob din sa desisyon na permante ang ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction noong 1994 at nakasaad na “Enjoining defendant Municipality, now City of Makati, from exercising jurisdiction over, making improvements on, or otherwise treating as part of its territory, Parcels 3 and 4, Psu-2031 comprising Fort Bonifacio”.
Ayon kay Angeles noong 1994 pa ay dapat hindi na nag-exercise ng jurisdiction ang Makati sa Embo Barangays dahil mayroon nang TRO sa umpisa pa lamang ng litigation ng kaso, kaya sa naging desisyon ng SC noong 2022 ay ang kautusan ng paglilipat ng hurisdiksyon matapos manalo ang Taguig.