Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makiisa sa banal na gawain ng simbahan sa Mahal na araw, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 792 total views

Umaapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mananampalataya na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga banal na gawain sa simbahan.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ng arsobispo na magandang pagkakataon na muling binuksan ang simbahan para sa mga pagdiriwang sa Mahal na Araw makalipas ang dalawang taong pagbabawal dahil sa COVID-19 pandemic.

“I would encourage people to participate in the celebrations of the church especially the Paschal Triduum instead of going somewhere or to the beach,” pahayag ni Archbishop Palma.

Bagamat pagkakataon itong makasama ang pamilya mas mahalagang piliin ang pagbubuklod sa pananalangin lalo’t hindi pa tuluyang nawala ang banta ang COVID-19.

Batid ni Archbishop Palma na ang pagluwag ng quarantine restrictions sa bansa ay tugon sa mga panalangin ng mamamayan na mapahintulutang mabuksan ang simbahan sa mga religious activities tulad ng pagdiriwang ng banal na misa.

Pinayuhan ng Arsobispo ang mamamayan na ituon ang sarili as pakikibahagi sa Mahal na Araw bilang paraan ng pagpapanibago sa pananampalataya at pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ikinagalak ng arsobispo na muling isasagawa sa Cebu ang mga nakaugaliang tradisyon tuwing Mahal na Araw tulad ng religious processions na isinantabi ng dalawang taon bilang pag-iingat sa
virus transmission dahil sa mass gatherings.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 77,666 total views

 77,666 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 87,665 total views

 87,665 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 94,677 total views

 94,677 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 103,929 total views

 103,929 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 137,377 total views

 137,377 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top