24,068 total views
Hiniling ni Dumaguete Bishop Julito Cortes sa mananampalataya na ituon ang sarili kay Hesus na sagisag ng pagpapamalas ng Diyos sa kanyang pag-ibig, habag at awa sa sangkatauhan.
Ayon sa Obispo, nawa’y tularan ng bawat isa si Hesus sa kanyang pag-aalay ng sarili sa katubusan ng sanlibutan sa pamamaraang paglingap sa kapwa at pagpapadama ng pag-ibig lalo na ang mga nahihirapang mamamayan.
“In particular, let us offer ourselves for those who have nothing to eat, who have no work and no income, for those who have nobody to turn to for assistance and counselling in the midst of mental health issues, for those whose family members are in the hospitals,” bahagi ng mensahe ni Bishop Cortes.
Ibinahagi ng obispo ang mensahe sa pagsimula ng mga Mahal na Araw kung saan nagbuklod ang kristiyanong pamayanan sa Linggo ng Palaspas na ginugunita ang pagbibigay papuri sa Diyos sa pagpasok sa Jerusalem.
Dalangin ni Bishop Cortes ang patuloy na pagbubuklod ng mamamayan tungo sa kapayapaan, katarungan at maging ang paglingap sa kapaligiran.
“Let us continue to pray for the healing of our groaning earth, for peace in our province, for the consolation and strength of families whose loved ones have been killed and still await justice,” ani Bishop Cortes.
Hinimok ni Bishop Cortes ang mananampalataya na makiisa sa mga gawain ngayong semana santa at ipanalangin ang kaligtasan sa nagpapatuloy na banta ng mga kalamidad bunsod ng naranasang climate change at iba pang suliraning panlipunan.
“Let us strive to join the Holy Week services of our churches. When healthy and able, let us fast. And let us be on the lookout for neighbors who welcome the day or bid goodbye to the night without food on their stomach,” ani ng obispo.