1,270 total views
Pinaalalahanan ng Cebu Archdiocesan Commission on Youth ang mga kabataang makibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sundin ang mga panuntunan sa Youth Council Members Running for Government Positions.
Ayon kay Archdiocesan Youth Director Fr. Andrei Ventanilla, layunin ng mga panuntunang mabigyang panahong tutukan ang pagsisilbi sa bayan.
“These guidelines are our way of preventing them from having conflicts of interest, thus giving them an avenue to focus on their role as public servant-leaders who will serve God by serving their country through their own localities,” pahayag ni Fr. Ventanilla.
Isinasaad sa Section I Rule V of the Instruction 01-2022 na nararapat itong sundin ng mga kabataang naghahangad maglingkod sa bayan:
a. Any youth in government elected official can hold position only in the Pastoral Committee;
b. Any Council Officer who seeks government office must observe a mandatory leave from office during the election campaign period; that is, from October 19 – 28, 2023, as stated in the Resolution No. 10902 entitled 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
c. In case any Council Implementation Committee Officer is elected in a government office, he or she is required to resign from his or her council position but may still continue to be a member of the council.
Gayunpaman, binigyang diin ni Fr. Ventanilla na hindi ito nangangahulugang pinagbabawalang maglingkod sa simbahan ang sinumang council officer na maihalal sa eleksyon sa October 30.
Nilinaw ng pari na karapatan ng isang tao ang makilahok sa halalan dahil ito ay bahagi ng basic rights bilang Pilipino subalit pinaalalahanang huwag gamitin ang simbahan sa pansariling interes.
“Please also remind them not to use their service in the Church to their own advantage,” giit ni Fr. Ventanilla.
Nanawagan naman ang pari sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang mga tatakbo sa halalang pambarangay lalo na ang mga kabataan lalo’t ito ang inaasahang magsusulong ng mga pagbabago sa kapakinabangan ng lahat.
Nagsimula ang election period noong August 28 sa paghahain ng kandidatura subalit itinakda ng Commission on Elections sa October 19 hanggang 28 ang panahon ng pangangampanya.
Kapwa nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc sa mga servant leader’s ng simbahan na tumakbo sa halalang pambarangay at pangkabataan upang maipadama ang tunay na paglilingkod na nakaugat sa mga turo ni Kristo.