139 total views
Binigyang diin ng Malacañang ang pagkilala ng bansa sa naging malagim na karanasan ng Jewish community kaugnay pa rin sa naging kontrobersiyal na pahayag ng Pangulong Duterte sa Nazi leader na si Adolf Hitler.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minamaliit ng Pangulo ang pagkamatay ng may 6 na milyong Hudyo na pinatay ng mga Germans sa halip ay ginamit lamang itong basehan upang ipaliwanag ang pagkakaiba ng naging hakbang ng German Nazi Leader sa kanyang mabuting intensyong sugpuin at tugisin ang mga kriminal na nagpapalaganap ng ilegal na droga at kriminalidad sa lipunan.
“The Philippines recognizes the deep significance of the Jewish experience especially their tragic and painful history. We do not wish to diminish the profound loss of 6 million Jews in the holocaust, that deep midnight of their story as a people. The President’s reference to the slaughter was an oblique deflection of the way he has been pictured as a mass murderer, a Hitler, which is a label that he rejects…”pahayag ni Abella.
Samantala, humingi na rin ng paumanhin ang Pangulo sa kanyang naging pahayag at binigyang diin na hindi niya intensyong maliitin ang ala-ala ng mga namatay na Hudyo sa naganap na Holocaust noong 1933 hanggang 1945 sa ilalim na pamumuno ng Nazi leader na si Adolf Hitler.
“I would like to make it now, here and now that there was never an intention on my part to derogate the memory of the six million Jews murdered by the Germans. Ang reference kasi sa akin nila ang ako daw si Hitler na maraming pinatay. So ang number kasi ng drug pushers as I have told you is 3 million. Kaya’t yung lang ang sinabi ko. So, I apologize profoundly and deeply to Jewish community…”pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, una nang inihayag ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na nasa higit 2-milyon ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa na nararapat matukoy at mabigyan ng karampatang tulong na makapagbagong buhay.
Sa tala, aabot na sa higit 3-libong indibidwal ang namatay sa mas pinag-iting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng pamahalaan, ngunit binigyang diin na hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat ay kitilin ang buhay maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.