234 total views
‘Hindi problema ang malaking populasyon ng bansa.’
Ito ang pahayag ni Ibon Foundation executive director Sonny Africa matapos umabot sa 100.98 milyon ang populasyon ng bansa batay sa latest census ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Para kay Africa ang karamihan ng populasyon ng bansa ay binubuo ng mga manggagawa na siyang nagpapa – unlad ng ekonomiya.
Mahalaga ayon kay Africa na bigyan ng pamahalaan ng pagpapahalaga ang populasyon lalo na sa pagkakaloob ng pantay – pantay na opurtunidad sa trabaho sa bawat Pilipino.
“Yung Ibon hindi kami naniniwala na ang overpopulation ay pinakamalaking salik sa kahirapan sa bansa. Para sa amin mainam na ituring ang populasyon bilang working population siya kumbaga isa siyang rekurso ng bansa na kung maging pantay – pantay sana yung opurtunities para sa lahat ng mga Pilipino. Impact actually ang population ay mahalaga para mas malaki ang produksyon ng bansa, mas malaki yung ekonomiya ng bansa at maganda rin yung merkado ng Pilipino na nasa loob ng bansa,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay naman sa Commission on Population o POPCOM, ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Enero 13, 2016 ay 102.4 milyon.
Napabilang ang Pilipinas na “Ika-labintatlong bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo