369 total views
Maituturing na resources o kayamanan ng isang bansa ang marami o malaking populasyon nito.
Ito ang tugon ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa pagtaas ng populasyon ng Pilipinas na umaabot sa 100.98-milyon ngayong 2016.
Nilinaw ni Bishop Cabantan na hindi problema o sagabal sa ekonomiya ng isang bansa ang maraming tao o populasyon sa halip ay makakatulong ito sa patuloy na kaunlaran.
Inihayag ng Obispo na kailangan lamang gawin ng pamahalaan ay malinang at mapag-ibayo pa ang kakayahan at talento ng bawat tao para sa kabutihan ng bansa.
Paalala ng Obispo na matuto sana ang gobyerno sa ibang mga bansa na malaking problema ang maliiit na bilang ng tao dahil sa kanilang isinulong na contraceptive mentality.
Binigyang diin ni Bishop Cabantan na malaking hamon sa estado at simbahan na isulong ang responsableng pagpapamilya sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa moralidad at dignidad ng bawat tao kumpara sa pagsusulong ng contraceptive mentality na makasisira sa kultura at moralidad ng tao.
“People are resources of the nation. They ought to find ways to develop and harness the capability, the giftedness of each one for the betterment of the nation. Hope we learn from countries who are in demographic winter that had promoted the contraceptive mentality which is becoming irreversible. We should continue to advocate, promote aggressively responsible parenthood also as alternative instead of a contraceptive mentality.” paliwanag ni Bishop Cabantan
Sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA, umabot na sa 100.98 milyon ang populasyon ng Pilipinas kung saan tumaas ito ng 1.72-percent o katumbas ng 8.64-milyon.