191 total views
Natatangi ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos ng mga Filipinong Katoliko.
Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, archbishop Emeritus ng Archdiocese ng Manila, isang malaking pagkilala sa Pilipinas ang maging host ng World Apostolic Congress on Mercy o WACOM 4 na nagsimula noong ika-16 hanggang ika-20 ng Enero, 2017.
Inihayag ni Cardinal Rosales na kinikilala sa buong mundo ang mga Filipino hindi dahil sa talento, sa kagalingan sa pagsasalita ng Ingles, sa katanyagan kundi sa kakaibang pananampalataya at matatag na pagtitiwala sa Diyos.
“Una sa lahat sa mga kababayan natin, tayo ay pinili alam ninyo, nalilimutan natin minsan, ang Pilipinas nalilimutan ang papel natin sa buong daigdig, kalimitan ang nakikita natin ay pag-unlad, pero ang pinakamalaking kontribusyon ng Filipino sa buong daigdig ay ang ating pananampalataya.” pahayag ni Cardinal Rosales.
Sinabi ng Kardinal na malaking mensahe ng WACOM 4 na mas mapalalim pa ng mga Filipino ang pananampalataya sa Diyos.
Iginiit ni Cardinal Rosales na ang WACOM 4 ay paalala sa mga Filipino sa malaking misyon sa mundo na ibahagi ang ating mayamang pananampalataya.
“Kinikilala sa buong daigdig, hinahangaan ang Filipino, sapagkat tapat, magaling magtrabaho, nakaka-english pero tanungin mo buong daigdig ang Filipino ay number 1, makadiyos, may takot sa Diyos at may dakilang pagmamahal sa Diyos at mas malaking misyon na malaman ang mali sa tama at ang daan patungo sa kabanalan. Remember that mercy will lead us o keep going on always looking what is right, what is wrong and what is holy because Jesus is the message and love of god for us. That’s mercy and compassion to all of us,” pahayag ni Cardinal Rosales
Ikinagalak din ni Cardinal Rosales na umaabot sa 5 hanggang 6 na libo ang rehistradong international at local participants sa 5-araw na WACOM 4 sa bansa.