619 total views
(Photo by Halal Manila)
Itinuturing ng isang obispo na isang mabisang hakbang ng pamahalaan na isama sa school curriculum ang pag-aaral ng mga estudyante ang kultura at kasanayan ng mga Muslim at mga katutubo sa bansa.
Ayon kay Apostolic Vicariate Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo, makatutulong ito sa mutual cultural encounters, dayalogo at pag-unawa sa mga muslim at mga katutubo.
Naniniwala ang Obispo na magdududlot ito ng payapang pagsasamahan ng mga muslim, kristiyano at mga katutubo.
Inihayag ni Bishop Arigo na ang alamin at unawain ang kultura, kasanayan at kasaysayan ng isang tao ay isang paraan upang matutunan ng isa na mahalin, igalang at pahalagahan ang kapwa.
“Will help in mutual cultural encounters, dialogue, understanding and hopefully respect of other’s differences and peaceful coexistence,” pahayag ni Bishop Arigo.
Unang kinuha ng Mababang Kapulungan ng Konghreso ang Senate bill 3205 o the integrated history act of 2016 na siyang magsasama sa curriculum ng mga estudyante ang kultura, kasanayan at kasaysayan ng mga katutubo at muslim sa bansa.