189 total views
Naka-antabay at naka-alerto ang Social Action Center ng Archdiocese of San Fernando Pampanga o SACOP sa paglaganap ng Bird Flu Virus sa isang bayan sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Gally Galla, isa sa mga coordinator ng SACOP, nakikipag-ugnayan na sila sa 2 parokya na apektado ngayon ng Avian Flu.
Magugunitang una ng ideneklara ang state of calamity sa Pampanga para matustusan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga nag-aalaga ng manok na naapektuhan ng nasabing virus.
Tiniyak ng Social Action ng Archdiocese na makikipagtulungan sila sa pagpapalaganap ng information campaign upang matiyak na magiging ligtas ang sinuman mula sa pagkakasakit ng mga manok.
“We are still coordinating with the concerned Parish Priest and line government agencies. So far two parishes ang confirmed affected by the flu. Still getting info from Minalin and Candaba, No sign of contamination but products are banned from being moved out.” Mensahe ni Galla sa Radyo Veritas.
Iminungkahi naman ni Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healtcare executive secretary Father Dan Cansino na ang proper hygiene at sanitation ang mabisang panangga sa bird flu.
Read:
Proper hygiene at sanitation, panangga sa Avian Influenza
Una na rin inihayag ng Deaprtment of Health na wala pa silang naitatalang kaso ng pagkahawa ng virus sa tao bagamat pinag-iingat lalo na ang mga nag-aalaga nito sapagkat maari itong magdulot ng lagnat o pneumonia
Tinatayang mahigit na sa 38 libong mga manok ang naapektuhan ng nasabing bird flu outbreak.