10,770 total views
Iniulat ng Lipa Archdiocesan Social Action Center o LASAC ang patuloy na pagdami ng mga natulungan ng CAREavan at LASAC Food Bank.
Ito ay mga programa ng LASAC na nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap na bahagi ng kanilang 2024 annual report.
Inihayag ng LASAC na sa pamamagitan ng CAREavan ay naturuan iba’t-ibang komunidad na malabanan ang kagutuman, maitaguyod ang pagsasaka at kalinisan ng katawan.
Sa tulong din ng CAREavan ay nailapit sa mga mahihirap ang mga programa ng LASAC na Lipa’s Way of Almsgiving towards Sanctification and Evangelization (ALWASE) , Disaster Risk Reduction and Management (Training), Handog Agapay, LASAC Food Bank at ang Batangas Bayanihan.
“All these activities are concrete means of the Church’s commitment to carry out her mission of proclaiming the Good News and serving the poorest along the peripheries. In this way, the capacities and potentials of these communities are enhanced, so that in due time, they can stand on their own and eventually will be able to help also their needy brethren,” ayon sa mensahe ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa 2024 Annual Report ng LASAC.
Noong 2024, umabot sa 1,099 na mga kabataan at mamamayan ang natulungan ng CAREavan sa tulong ng 862-thousand pesos na pondo.
Sa pamamagitan ng LASAC Food Bank ay natulungan ang 57,477 na mga bata at mamamayan na makakain ng wasto at malabanan ang suliranin ng matinding kagutuman kung saan nagamit ang 4.86-million pesos na pondo.
“Having this perspective, the words of Pope Francis resonate in the Archdiocese of Lipa: “To the poor who dwell in our cities and are part of our communities, I say: do not lose this certainty! God is attentive to each of you and is close to you,” ayon sa pa sa mensahe ni Bishop Garcera.