Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malayang pagpapahayag ng mga guro

SHARE THE TRUTH

 491 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo naging kontrobersiyal ang paalala ni DepEd Secretary Leonor Briones sa mga guro na hindi sila maaaring mangampanya o mag-post ng kanilang political views sa kanilang social media accounts. Iginiit ng kalihim na dapat manatiling neutral o walang kinikilingan ang mga kawani ng pamahalaan, kasama na ang mga guro at ­non-teaching staff ng mga pampublikong paaralan.

Ayon sa kalihim, mayroong issuances tungkol sa panuntunang ito katulad ng DepEd Order No. 48 o “Prohibition on Electioneering and Partisan Political Activity” na inilabas noong 2018. Nang tanungin ang kalihim kung maaari mag-post ang mga guro sa kanilang social media ng kanilang political views, mariin niya itong ipinagbawal. Aniya, kung gagawin nila iyon, hindi sila maaaring magpakilala bilang mga guro dahil “bureaucratic neutrality” ang pangunahing prinsipyo pagdating sa isyung ito.

Hindi rito sang-ayon Alliance of Concerned Teachers partylist representative France Castro. Para sa kanya, karapatan ng mga gurong magbahagi ng kanilang mga opinyon. Hindi sila maaaring manatiling apolitical, lalo na sa panahon ng matinding historical revisionism o pagbabaluktot sa kasaysayan. Dapat daw maging halimbawa ang mga guro sa kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng paninidigan sa kanilang mga karapatan, at pagbabahagi ng tamang impormasyon at kanilang mga paniniwala. Wala raw saysay ang pagsasaulo ng mga formula, petsa sa kasaysayan, at pangalan ng mga bayani kung hindi marunong ang mga estudyanteng magsuri sa mga nangyayari sa bansa. Dagdag pa niya, dapat hinuhubog ng mga guro ang kritikal na pag-iisip ng mga bata upang hindi sila maging isang henerasyon ng brainwashed robots.

Para sa isang high school philosopher teacher na si Urayjan Borlaza, “theoretically impossible” ang pagiging apolitical ng mga guro. Naniniwala siyang ang pananahimik sa mga isyu ay paghikayat sa pagkalat ng fake news. Bagamat sinasabi ng mga panuntunan ng DepEd na bawal mangampanya at dapat manatiling non-partisan ang mga guro, mayroong Joint Circular No. 1 ang Commission on Elections at Civil Service Commission noong 2016 na sinasabing ang pagpapahayag ng mga paniniwala sa mga kasalukuyang isyu ay hindi maituturing na partisan. Dagdag pa ng guro, pagiging tapat sa kanilang bokasyon bilang mga guro ang paglaban sa disinformation, maging sa social media.

Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatan ng mga manggagawa, kasama na ang mga guro. Ang mga karapatang ito ay nakabatay sa kanilang dignidad bilang nilikha ng Diyos. Isa sa mahahalagang karapatang ito ang maprotektahan ang kanilang indibidwal na personalidad, kasama na ang paggalang sa kanilang konsensya at mga paniniwala. Naniniwala rin ang ating mga katuruang hindi obligado ang mga mamamayang sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan kung labag ito sa moralidad ng lipunan, kanilang mga karapatan at konsensya, at mga turo ng Simbahan. Tinatawag natin itong “right to conscientious objection” dahil paggalang ito sa idinidikta ng isang konsensyang dapat hinubog at nakabatay sa Mabuting Balita.

Bagamat nauunawaan nating mahalaga ang pagiging non-partisan ng mga kawani ng pamahalaan sa paglilingkod nila, hindi ito dapat maging hadlang sa pagtataguyod ng isang lipunang makatotohanan, makatao, at makatarungan. Malaki ang papel ng mga guro sa pagpapanday ng lipunang ito bilang mga tagapaghubog ng isipan ng kabataang itinuturing nating pag-asa ng bayan. Kaya naman, isang kabalintunaang hingin ang kanilang pananahimik sa panahong higit na kailangan ng pagsusuri at talakayan.

Mga Kapanalig, katulad ng paalala sa 1 Pedro 2:16, “Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya… mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.” Ang pagkitil sa kalayaang magpahayag o pananahimik sa kabila ng panawagan ng panahon ay tahasang paglahok sa kasamaan. Nawa’y magamit ng mga guro at ng bawat mamamayan ang kanilang kalayaang iwaksi ang kasinungalingan, magsulong ng katarungan, at maging tunay na tagasunod ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 8,157 total views

 8,157 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 22,813 total views

 22,813 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,928 total views

 32,928 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 42,505 total views

 42,505 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 62,494 total views

 62,494 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 8,158 total views

 8,158 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,459 total views

 1,459 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 22,814 total views

 22,814 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,929 total views

 32,929 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 42,506 total views

 42,506 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 62,495 total views

 62,495 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 46,671 total views

 46,671 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 41,696 total views

 41,696 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,265 total views

 45,265 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 57,720 total views

 57,720 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 68,787 total views

 68,787 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,106 total views

 75,106 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 79,718 total views

 79,718 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,278 total views

 81,278 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 46,839 total views

 46,839 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top