Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 288 total views

Mga Kapanalig, dahil daw sa paglakas muli ng bentahan ng iligal na droga sa ating bansa, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police o PNP na maging aktibong muli sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot, ang sinasabi niyang ugat ng lahat ng problema ng ating bayan. Pangungunahan pa rin ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang “war on drugs” ng pamahalaan, ngunit binibigyan ng laya ng administrasyon ang PNP na buhayin ang Oplan Tokhang basta’t may pakikipag-ugnayan ito sa PDEA. Katwiran ni Pangulong Duterte, kailangang ibalik ang PNP dahil hindi kaya ng 2,000 tauhan ng PDEA na suyurin ang mga pamayanan at hanapin, dakpin, o kaya ay patayin ang mga sangkot sa iligal na droga.

Natatakot ang mga tumututol sa Oplan Tokhang na tumaas muli ang bilang ng mga pinapatay ngayong balik-eksena na naman ang mga pulis sa giyera kontra droga ng pamahalaan. Para kay Novaliches Bishop Emeritus Ted Bacani, malinaw na interesado ang pamahalaan sa bilang ng mga napapatay. Kasi nga naman, sa loob ng halos dalawang buwang pangangasiwa ng PDEA, isa lamang ang namatay sa mga isinagawang raid ng ahensya, malayung-malayo sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na 32 patay sa bawat araw. Gayunman, malalaking halaga ng droga ang nasasamsam ng ahensya, bagay na nakatutulong upang bawasan ang supply ng ipinagbabawal na gamot. Nakakalungkot na hindi ito ang batayan ng tagumpay ng kampanya kontra droga kundi ang bilang ng mga taong naliligo sa sarili nilang dugo.

Tayo po sa Simbahan ay hindi napapagod sa paulit-ulit nating panawagan sa pamahalaan, lalo na sa kapulisan, gayundin sa mga kababayan nating suportado ang marahas na “war on drugs”, na igalang ang buhay ng tao, kahit pa ng mga taong gumagamit ng masamang droga o ang mga nagbebenta nito. Magandang balikan ang sinabi minsan ni Msgr. Jose Mari Delgano, ang Episcopal Vicar for Pastoral Affairs ng Arkdiosesis ng Jaro: “God calls sinners to surrender to Him. In His own version of tokhang, no one is bad enough to be a candidate for tokbang!” Ang pagkatok ng ating Panginoon sa puso ng mga naliligaw ang landas ay hindi sinusundan ng pagputok ng baril, kundi ng isang pagtinging may awa at habag—His gaze of mercy. Kaya’t mahalagang samahan natin ang ating mga kapatid na makita ang awa at habag na ito ng Panginoon, at tulungan silang bumalik sa Kanyang mapagmahal na pagkalinga tungo sa pagbabagong-buhay.

Ngunit sa itinatakbo ng kampanya ng pamahalaan kontra droga, at sa napakarami na nating narinig mula sa bibig ng ating pangulo at ng kanyang mga opisyal, mukhang hindi natin maasahan sa mga kinauukulan ang paggabay na ito sa mga naliligaw na landas. Para sa ating pangulo, wala nang pag-asang magbago ang mga taong gumagamit ng droga, lalo na ang mga gumagamit ng shabu na mahihirap ang karamihan. Para naman sa kalihim ng DOJ, hindi na raw tao ang mga lulong sa droga kaya’t wala na silang karapatang dapat pangalagaan. Ganito rin ang pananaw ng solicitor general na, sa isinagawang oral arguments ng Korte Suprema kamakailan hinggil sa mga petisyong kumikuwestyon sa kampanya kontra droga, nagsabing ang mga pagtutol sa pagpatay na ginagawa ng mga pulis ay pawang paninira lamang sa sikat nating pangulo. Bayanihan pa nga raw ang Oplan Tokhang dahil nagtutulungan ang mga pulis at ang barangay. Hindi niya nakikita ang mga pagpatay bilang paglabag sa karapatan ng mga taong hindi binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili gamit ang proseso ng batas.

Mga Kapanalig, batay sa paraan ng pagsasagawa ng Oplan Tokhang ng PNP nitong nakalipas na taon at buwan, maling hakbang ang ibalik ang PNP sa kampanya kontra droga. Kaya’t patuloy po tayong maging mapagmatyag, at patuloy na labanan ang kultura ng pagpatay.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,839 total views

 32,839 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,495 total views

 47,495 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,610 total views

 57,610 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,187 total views

 67,187 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,176 total views

 87,176 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 32,840 total views

 32,840 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,496 total views

 47,496 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,611 total views

 57,611 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,188 total views

 67,188 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,177 total views

 87,177 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,871 total views

 48,871 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,896 total views

 43,896 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,465 total views

 47,465 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,920 total views

 59,920 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,987 total views

 70,987 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,306 total views

 77,306 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,917 total views

 81,917 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,477 total views

 83,477 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,038 total views

 49,038 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,535 total views

 69,535 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top