Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan ng CBCP-ECHC sa pagkalat hg fake news sa MPOX virus

SHARE THE TRUTH

 12,176 total views

Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mamamayan na iwasan ang paglikha ng maling impormasyon hinggil sa mpox (monkeypox) virus.

Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ito’y upang hindi magdulot ng pagkabahala sa publiko lalo’t ang kumakalat na virus ay itinuturing ngayon ng World Health Organization bilang global public health emergency.

Sa halip, sinabi ni Bishop Florencio na magtiwala lamang sa mga abiso at payo ng mga dalubhasa, lalo na sa Department of Health (DOH).

“Let’s not make any unnecessary moves or announcements aside from those made by the DOH. Let us trust them. Since this is just the beginning of detection, let us exercise prudence in everything,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Noong August 19, inanunsyo ng DOH ang bagong kaso ng mpox virus sa bansa, ang unang kaso mula noong Disyembre ng nakaraang taon at ika-10 laboratory-confirmed case, kung saan ang pinakaunang kaso ay naiulat noong July 2022.

Ayon sa kagawaran, ang pasyente ay isang 33-taong gulang na lalaking Pilipino na walang anumang travel history sa labas ng Pilipinas, ngunit mayroong close contact tatlong linggo bago lumitaw ang mga sintomas.

Kabilang sa mga sintomas ng virus ay ang pamamantal at mga sugat na may nana, na may kasamang lagnat; pananakit ng ulo, kalamnan, at likod; panghihina ng katawan; at kulani.

Hinikayat naman ni Bishop Florencio ang lahat na mahigpit na sundin at unawain ang mga inilalabas na abiso ng DOH na nagsasaad ng iba’t ibang impormasyon bilang gabay para sa kaligtasan laban sa nakahahawang mpox virus.

“We can prudently prepare ourselves and advise others on what to do. Keep in mind that prevention is always more important than the cure,” saad ni Bishop Florencio.

Hinihiling din ng obispo na magkaisa ang lahat sa pananalangin kay San Roque, patron laban sa mga salot at nakakahawang sakit, upang ipag-adya ang lahat mula sa banta ng bagong virus.

“My prayer is that let us put all our intentions together and ask God to spare us from this virus. Let us also invoke the intercession of St. Roch, the healer, and the saints in Heaven,” dalangin ng obispo.

Ika-14 ng Agosto nang ideklara ng WHO ang mpox bilang global public health emergency matapos magkaroon ng outbreak sa Democratic Republic of Congo.

Bagamat hindi malala, ang mpox virus ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay, lalo na sa mga bata, buntis, at mga taong may mahinang immune system.

Sa kabuuan, umabot na sa higit 38-libo ang kaso ng virus sa 16 African countries mula noong Enero 2022, na may higit 1,400 na ang namatay.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 13,622 total views

 13,622 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 19,846 total views

 19,846 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 28,539 total views

 28,539 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 43,307 total views

 43,307 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 50,429 total views

 50,429 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pamahalaan, hinimok ng MAO na mamuhunan sa malinis na hangin

 2,999 total views

 2,999 total views Hinimok ng Move As One (MAO) Coalition ang pamahalaan na tumugon sa pandaigdigang panawagang mamuhunan sa malinis na hangin. Iginiit ng grupo ang pamumuhunan sa malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtataas ng pondo para sa mga low-carbon transport modes upang makinabang ang mamamayan sa mga benepisyong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at pangkalikasang dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

 3,025 total views

 3,025 total views Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha. Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

 4,571 total views

 4,571 total views Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan. Sinabi

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

 5,778 total views

 5,778 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol. Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

 6,280 total views

 6,280 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila. Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Iba’t-ibang social action centers ng simbahan, kaagapay ng mga apektado ng bagyong Enteng

 6,404 total views

 6,404 total views Patuloy na nananawagan ng panalangin ang mga diyosesis sa Bicol Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat. Sa situational report ng Caceres Archdiocesan Social Action Center o Caritas Caceres, umabot sa 254 pamilya o halos 2,700 indibdiwal mula sa 47 barangay ng 13 bayan at dalawang lungsod ng Camarines Sur ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-11 Season of Creation, bubuksan ng Archdiocese of Manila

 7,984 total views

 7,984 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagbubukas sa ika-11 Season of Creation sa arkidiyosesis. Magaganap ito sa August 31, 2024 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lourdes School of Mandaluyong sa Mandaluyong City. Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

400 energy experts, magbabagi ng kaalaman sa 3rd Clean Energy Philippines Expo 2024

 8,328 total views

 8,328 total views Magtitipon ang nasa 400 mga opisyal at dalubhasa mula sa energy companies sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo upang muling talakayin ang mga pag-unlad at iba pang usapin hinggil sa pagnanais na magkaroon ng malinis na enerhiya. Ito ang 3rd Clean Energy Philippines Conference | Expo 2024 na gaganapin sa September

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nanindigang walang nilalabag ang PNP sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

 9,097 total views

 9,097 total views Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa kabila ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ang pahayag ng DILG ay kaugnay sa inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao City Regional Trial Court

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

 9,415 total views

 9,415 total views Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation. Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City. Layunin ng gawaing ipalaganap ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinimok na makiisa sa “Season of Creations”

 12,144 total views

 12,144 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na palalimin ang kamalayan at ugnayan sa sangnilikha ng Diyos sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon. Sa mensahe ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinikayat ng obispo ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang, sama-samang manalangin at kumilos upang tugunan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamong kumilos para sa kalikasan

 12,718 total views

 12,718 total views Nananawagan ang Caritas Philippines sa mamamayan sa agarang pagkilos at pagkakaisa kasabay ng pagdiriwang sa 2024 Season of Creation. Ayon sa social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bilang mga katiwala ng sangnilikha, tungkulin ng bawat isang kumilos para sa kapakanan ng mga lubhang apektado ng pagkasira ng kalikasan

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Paglilipat sa BOT ng PhilHealth funds,tinutulan ng Caritas Philippines

 12,679 total views

 12,679 total views Suportado ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isinampang petisyon sa Supreme Court upang protektahan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Hinihiling sa petisyon ang temporary restraining order at writ of preliminary injunction para pigilan ang paglilipat sa Bureau of Treasury ng humigit-kumulang P90-bilyong labis

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagbabala laban sa mga ‘scammer’

 14,435 total views

 14,435 total views Binalaan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko laban sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng opisyal ng simbahan upang manlinlang ng kapwa. Kaugnay ito sa mga pekeng facebook account na nagpapakilalang si Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag. Nababahala ang institusyon dahil maaari itong

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Archdiocesan assembly on Migrants, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

 10,779 total views

 10,779 total views Magsasagawa ng Archdiocesan Assembly ang Migrants Ministry ng Archdiocese of Manila bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng World Day of Migrants and Refugees (WDMR), National Migrant’s Sunday (NMS), at National Seafarers Day (NSD). Sa inilabas na sirkular, hinihikayat ng Archdiocese of Manila Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top