15,107 total views
Binalaan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko hinggil sa kumakalat na product endorsement online gamit ang kanyang pangalan.
Hiniling ng obispo sa mamamayan na magkaisang i-report ang mga naturang social media account na nagtataglay ng mga deep fake created video materials upang makaiwas sa scam ang mamamayan.
“Please be aware that I do not endorse any product or religious material online. If you come across a video featuring my face and voice endorsing something, it is not me; it is a fake created by AI (artificial intelligence). Please disregard it,” ayon sa babala ni Bishop Uy.
Hinimok ni Bishop Uy ang mamamayan na magtulungang labanan ang mga maling impormasyon at deep fake videos upang hindi mabiktima ng fradaulent activities online.
“If you happen to encounter a post of me endorsing something, please do not click on the link they provided or you risk your account of being taken. Report the post and the page instead. Please share this important information to help prevent others from falling victim to these scammers,” dagdag ng obispo.
Kamakailan lang ay pinabulaanan din ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga fake endorsement online kahit na mga religious article.
Tinuran ng cardinal ang deep fake videos sa social media platform na Facebook kung saan makikitang nag-iendorso ito ng iba’t ibang produkto kabilang na ang religious articles na aniya’y binasbasan ng santo papa.
Ang Deepfake technology ay isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings ng isang indibidwal.
Patuloy na pinag-iingat ng simbahan ang mananampalataya laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang pagkakilanlan ng mga cardinal, obispo, pari at mga institusyon ng simbahan para sa scam activities.
Ayon sa datos ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.