535 total views
Nagbabala ang mga eksperto tungkol sa epekto ng matinding init ng panahon sa ating mga paningin.
Ayon kay Caritas in Action resident Ophthalmologist Dr. Mario Reyes, kailangan pag-ibayuhin ang pag-iingat sa ating mga mata lalu’t pumapalo sa 40 degree Celsius ang temperatura ngayon sa Kamaynilaan at iba pang mga lalawigan.
Inihayag ni Dr.Reyes na maaring makaranas ng pananakit ng mga mata at iba pang kumplikasyon kung hindi magsusuot ng mga proteksyon gaya ng sumbrero at sunglasses kapag nasa labas ng bahay sa katanghalian o kasikatan ng araw.
“Umaabot sa 40 degree ang temperatura epekto sa mata natin nyan mapahdi at masakit sa pakiradam kasi yun reflection galing sa lupa parang tumatama sa ating mata kahit hindi ka nakatingin tinatamaan ng radiation ang mata mo at mag cause yan ng tinatawag na dry eyes” Ani Dr. Reyes.
Higit na pinapayuhan ni Dr. Reyes ang mga nag-tatrabaho sa gitna ng matinding sikat ng araw tulad ng mga magsasaka o mga gumagawa ng bahay.
“Actually yun mga na expose lalo na yun mga nagta-trabaho sa ilalim ng araw yun mga magsasaka, yun construction worker pinaka simple na puwedeng gawin magsuot sila ng sumbrero para ma-less yun radiation na galing sa araw nakatutok sa mata nila, or better yet mag sunglasses sila” pahayag ng doktor
Sa tala ng DOST-PAGASA umaabot ngayon mula 38 hanggang 45 degree celsius ang temperatura sa iba’t-ibang panig ng bansa.