34,894 total views
Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma.
Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong pinansyal.
Paalala ng Arkidiyosesis ng Cebu ang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng mga parokya at ng arkidiyosesis sakaling makatatanggap ng mensahe online at via email lalo na may kaugnayan sa paghingi ng donasyon at tulong pinansyal.
“We urge everyone to exercise caution and vigilance. Should you receive emails from this address or any email containing unusual requests, kindly report them immediately to relevant authorities.” babala ng Archdiocese of Cebu.
Partikular na nagbabala ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa pekeng email account na: [email protected] na walang anumang kinalaman o kaugnayan kay Archbishop Palma.
“Please beware of individuals FALSELY USING the name of ARCHBISHOP S. PALMA. We warn everyone NOT TO ENTERTAIN emails with this address: [email protected]. THIS EMAIL ADDRESS DOES NOT BELONG TO THE ARCHBISHOP.” Dagdag pa ng Arkidiyosesis ng Cebu.
Patuloy naman paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na mag-ingat sa pakikipag-ugnayan gamit ang internet lalo na sa mga nagpapakilalang lingkod ng Simbahan tulad ng mga pari, obispo, at mga opisyal ng Simbahan na karaniwang ginagamit sa panloloko at pananamantala ng ilang indibidwal.
Batay sa datos ng We are Social at Meltwater sa unang bahagi ng 2024, halos 87 milyong Pilipino ang internet user’s kung saan 86.7 milyon dito ang gumagamit ng social media o katumbas sa halos 74 na porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa.