Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan sa pekeng FB account ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 13,837 total views

Nagbabala sa publiko ang Apostolic Vicariate of Taytay sa Palawan dahil sa pekeng Facebook account gamit ang pangalan ni Bishop Broderick Pabillo.

Nabahala ang bikaryato nang madiskubre ang nasabing social media account na ginamit ang mga larawan ng obispo.

Iginiit ng pamunuan ng bikaryato na wala itong kaugnayan kay Bishop Pabillo o simunang opisyal ng simbahan ng Taytay.

“We have recently discovered a fraudulent Facebook Accounts is misusing the Image of our Apostolic Vicar, Bp. Broderick S. Pabillo, while pretending to be someone else. Please be advised that these accounts are not affiliated with Bishop Pabillo or any of our official social media platforms,” ayon sa pahayag ng bikaryato.

Batay sa pagsiyasat ng bikaryato tatlong kaduda-dudang FB account ang lumabas sa social media platform na pawang walang kaugnayan kay Bishop Pabillo. Apela nito sa mamamayan na magtulungang i-report ang mga nasabing fake accounts upang maiwasang mabiktima ng scam ng mga mapanamantalang indibidwal.

“We need your help if you come across these fake accounts or any suspicious post and doubtful messages, please report it immediately to Facebook. Your quick action can help us stop this harmful behavior and protect our community,” anila. Kamakailan lang ay nagbabarin ang Archdiocese of Cebu laban sa isang pekeng FB account gamit ang pangalan ni Archbishop Jose Palma na ginagamit din sa panloloko.

Muli’t muli ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya nam aging alerto at maingat sa pakikipag-ugnayan online lalo na sa mga natatanggap ng solicitation letters online gamit ang pangalan ng mga obispo, pari, simbahan o anumang institusyon ng simbahang katolika dahil laganap sa lipunan ang fake accounts.

Sa pag-aaral ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 55,367 total views

 55,367 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 65,366 total views

 65,366 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 72,378 total views

 72,378 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 82,066 total views

 82,066 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 115,514 total views

 115,514 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top