23,649 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga regular donors at iba pang mamamayan na makiisa sa ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ sa kuwaresma.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtitipid sa 40-araw ng kuwaresma ng 40-piso kada araw upang makabuo ng 1,600-piso na ibabahagi sa alay-kapwa program bilang donasyon.
Ang mga malilikom sa gawain ay ilalaan sa mga programa ng simbahan na nakatutok sa pagpapakain sa mga batang biktima ng malnutrisyon at mga masasalanta ng anumang uri ng kalamidad sa hinaharap.
“13 days left ’til Lenten season officially starts, Make your #Lent2024 more meaningful by joining our ALAY KAPWA 40 for 40 CHALLENGE!, Save 40 pesos every day for 40 days so you can donate a total of P1,600 to fund our nutrition and crisis management program for the poor (#CaritasDamayan), The #AlayKapwa40for40Challenge encourages one to turn their Lenten sacrifices into opportunities for change. Almsgiving is one of the three pillars of Lent. By saving P40 a day, you can feed the malnourished or help us prepare for future disasters.” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.
Sinabi ni Fr.Anton CT Pascual, excutive director ng Caritas Manila na ang inisyatibo ay paanyaya sa lahat na ang gagawing “Lenten sacrifices” ay magdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga dukha.
Inihayag ni Fr.Pascual na bukod sa nutrition at crisis management program (Caritas Damayan) sa mahihirap, pinalakas din ng Caritas Manila ang livelihood program na tinatawag na “Self-Help Groups o SHEG at Youth Servant Leadership and Education Program o YSELP na nagpapaaral sa mahigit 5-libong mahihirap na mag-aaral sa buong bansa.
Ibinahagi ni Fr.Pascual na noong taong 2020 at 2021 ay mahigit sa 2-bilyong piso ang naibahagi at naitulong ng Caritas Manila sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Taong 2022, mahigit sa 30,000 pamilya na apektado ng kalamidad sa bansa ang nabigyan ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila.