189 total views
Muling inaanyayahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na makiisa sa 33 araw na panalangin para sa “Start the Healing” campaign ng simbahan.
Ito ay magsisimula sa ika-5 ng Nobyembre hanggang sa ika-8 ng Disyembre –kasabay ng kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Concepcion.
“I am inviting you and the communities with you to participate in the second phase of this period of praying for the victims of extra judicial killings. We will start on November 5 until December 8, the solemnity of the Immaculate Conception,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
At para ilunsad ang kampanya, magkakaroon ng misa sa Edsa Shrine sa November 5 na itinakda bilang “Lord, Heal our Land Sunday” – dakong alas 3 ng hapon na pangungunahan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Sa pastoral letter ng Arsobispo, ang kampanya ay kasunod na rin ng “Stop the Killings” na panawagan ng simbahan kung saan hinikayat ang mga simbahan na magsagawa ng 40 araw na pagkampana, pagtitirik ng kandila at padarasal sa loob ng 40 araw tuwing alas-8 ng gabi o ang profundis bell na ang layunin ay ipagdasal ang mga namayapa lalu na ang mga biktima ng karahasan.
Ayon pa sa pahayag ni Archbishop Villegas: “This 33 day period will prepare us to make our act of consecration to the Immaculate Mother. We will call this 33 day period as the time to “Start the Healing”.
Within this 33 day period, we are requested to pray the rosary and receive Holy Communion, if possible every day, for the healing of our bleeding nation and for the peace of the souls of all those killed.
To launch this period of prayer for national healing, I invite you to attend the Mass at the EDSA Shrine on November 5, 2017 at three o’clock in the afternoon the hour of Divine Mercy.”
Hinihikayat din ni Archbishop Villegas ang lahat na magrosaryo, mangumunyon sa loob ng 33 araw bilang simula ng ating paglunas sa duguang bayan ng Pilipinas at kahilingan na mapayapa ang mga kaluluwa ng mga namayapa.
Hiling din ng arsobispo sa mga pari mula sa malalayong simbahan na magsagawa ng parehong programa kaugnay sa “Lord Heal our Land Sunday Masses para sa mga hindi makakadalo sa Edsa Shrine.
We are appealing to our brother priests to hold “Lord Heal our Land Sunday Masses” in the provinces too for the sake of those who cannot go to the EDSA Shrine that day
Base sa ulat, may 14 na libo katao na ang napaslang na may kaugnayan sa droga na siya ring dahilan sa inilabas na pahayag ni Archbishop Villegas na ang layunin ay ipanawagan na ihinto na ang mga pagpaslang na nagaganap sa bansa.