418 total views
Muling inaanyayahan ng Archdiocese of Zamboanga ang mananampalataya na makiisa sa pananalangin, pag-aayuno at penitensya bilang pagsusumamo sa Panginoon na matapos na ang pandemya.
Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Bishop Moises Cuevas ang tagapangasiwa ng arkidiyosesis na mahalagang sama-sama ang buong pamayanan sa pagdarasal lalo’t lahat ay apektado ng pandaigdigang krisis sa kalusugan.
“I would like to renew my invitation for the people of God in the Archdiocese of Zamboanga to be united in these forty days of prayer, fasting and penitence from Oct 13 to Nov 22, for an end to Covid-19 pandemic and in solidarity with those who suffer most,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.
Ang hakbang ng arkidiyosesis ay tugon sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Circular No. 21-29 namay paksang ‘The Love of Christ Compels Us’ kung saan pinaalalahanan ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles ang mamamayan na kaakibat ng kahalagahan ng pananalangin sa Panginoon ang paglingap sa pangangailangan ng kapwa.
Hinimok rin ni Bishop Cuevas ang bawat komunidad na dasalin ang Santo Rosaryo tuwing alas otso ng gabi upang hingin ang paggabay ng Mahal na Birhen.
“In these days of fervent prayers, I encourage the faithful of the archdiocese to pray the Holy Rosary at 8:00pm in the church, in the chapel, as a family at home, as a religious community, as a group or organization,” ani Bishop Cuevas.
Bukod dito hinikayat ng obispo ang mananamapalataya na mag-ayuno hindi lamang sa pagkain kundi maging sa mga nakaugaliang gawain at higit ituon ang sarili sa Panginoon.
“To better dispose us to be in communion with God in prayer I recommend fasting. As mentioned in our archdiocesan catechesis and primer on fasting, it can take many forms such as depriving oneself of technology, leisure, smoking, drinking, but food must be given utmost consideration since food is the most fundamental like air or water. It’s a form of deprivation of the good for a greater good,” giit ng obispo.
Bukod sa Archdiocese ng Zamboanga nauna nang nagsagawa ng ‘Days of prayer, fasting and penitential walk’ sa intensyong pagwawakas ng COVID-19 ang Archdiocese of Manila, mga diyosesis ng Borongan, Catarman at Maasin.
Si Bishop Cuevas na itinalagang katuwang na obispo ng arkidiyosesis noong Marso 2020 ay hinirang ni Pope Francis na apostolic administrator ng Zamboanga noong Agosto habang nagpapagaling sa karamdaman si Archbishop Romulo Dela Cruz.
Bilang tagapangasiwa saklaw ng kapangyarihan nito ang mga tungkuling ginagampanan ng obispo sa isang diyosesis.