442 total views
Hindi kailanman magbabago ang paninindigan ng Simbahan kaugnay sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.
Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Silvino Borres, Jr., SJ – President ng Coalition Against Death Penalty (CADP) sa TEND TALKS: A Webinar on Death Penalty na dinaluhan ng mga youth ministers mula sa iba’t ibang diyosesis at mga institusyon ng Simbahan.
Ayon sa Pari, bagamat hindi isinasantabi ng Simbahan na naaangkop lamang na maparusahan ang mga nagkasala sa kapwa at mga nakalabag sa batas ay hindi dapat humantong sa pagkitil o pagtapos sa buhay ng mga makasalanan.
Paliwanag ni Fr. Borres na kaakibat ng pagbibigay ng katarungan sa mga biktima ay ang pagpapataw upang ganap na makapagsisi at makapagbagong buhay ang mga nakagawa ng kasalanan.
Ito ayon sa Pari, ang isa sa mga patuloy na hamon ng Simbahan upang mapagnilay ng bawat mamamayan.
“The Church enjoins a moral standing among the institutions and we continue to challenge people to think about this policies. As we said the message of the Church is for the respect of the sacredness of live even if that life belongs to an offender, we are not oblivious to the demands of justice and that is something we need to do whether you are belong to the Church or not, but we make sure as well such offenses, such punishment also offers an oppurtunity for the person to redeem himself or herself.” pahayag ni Fr. Borres
Hinimok ng Pari ang lahat na huwag maging kampante dahil patuloy na isinusulong ng administrasyong Duterte ang muling pagsasabatas ng na-abolish ng parusang kamatayan sa bansa noong 2006.
“2006 when the death penalty was abolished but now we are concern because the President himself talks about restoration of the death penalty because that’s one of his campaign promises…” Dagdag pa ni Fr. Borres.
Tiniyak nii Fr. Borres na kailanman hindi mababago o matitinag ang Simbahan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay.
“The Church message of love and compassion and defense for life will forever remain regardless of whatever administration, we continue to fight” ayon kay Fr. Borres.