152 total views
Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang mamamayan na huwag matakot mag-volunteer sa MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga.
Tiniyak ng kalihim na pangangalagaan ng departamento ang pagkakakilanlan ng mga volunteers na mag-uulat ng mga anomalya sa kanilang barangay.
Ipinaliwanag ni Sueno na sa pagtanggap ng DILG ng mga ulat mula sa volunteers ay sisiyasatin itong mabuti ng ahensya.
“People should not fear volunteering in the MASA MASID (Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga) program. It will not be known who reports what. Reports will be validated and the validation will be fast since it is barangay-based,” bahagi ng pahayag ni Sec. Sueno.
Kaugnay dito hinimok din ng kalihim ang religious organizations at non-government organizations na maging kaagapay ng MASA MASID upang mas mabilis na masugpo ang kriminlidad at ang pagkalat ng iligal na droga sa Pilipinas.
Matatandaang sa tulong ng Bureau of Fire, kamakailan lamang ay nadiskubre ng pamahalaan ang pinakamalaking shabu laboratory sa bansa, sa Barangay Lacquios sa Arayat, Pampanga na sinasabing maaaring makalikha ng 400 kilo ng shabu kada araw.
Una nang hinihikayat ng Simbahang Katolika ang mga mamamayan sa bansa na magkaisa upang mapangalagaan ang common good o ang makabubuti para sa bawat isa.