8,404 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Pilipino na suportahan ang mga Cans of Charity upang maipagpatuloy ang mga programa sa mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi ng social arm ng Archdiocese of Manila na sa pamamagitan ng Cans of Charity na maaring hulugan ng barya ay mamapanibago ang kabuhayan at kalagayan ng mga maralita sa mga mahihirap na pamayanan.
Paanyaya ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan sa kanila sa nais magkaroon ng mga Cans of Charity sa mga establisyemento at maging kaisa sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mahihirap sa simpleng pamamaraan sa pagtawag sa mga numero ng Caritas Manila.
“Help those in need by supporting our Cans of Charity campaign! By contributing even small amounts, we can transform the lives of our poor brethren in our communities.Each can should ideally contain at least 500 pesos to help our programs for the poor. Adopt a can today! Contact us through: Phone: 8243-8221 / 8566-2000 to 25 loc. 138 Mobile: 0917 188 0229; Email: [email protected]. Together, we can cultivate a culture of giving!,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila
Sa tala, pitong libong mga Cans of Charity ay matatagpuan sa ibat-ibang pamilihan o malalaking establisyemento sa National Capital Region at mga karatig lalawigan.
Ilan sa mga sinusuportahan ng Caritas Manila ang mga programa ng Caritas Damayan na nakatuon sa disaster at humanitarian response ng social arm kung saan bukod sa sakuna ay pinapakain din ang mga nagugutom upang malabanan ang malnutrisyon.
Kasunod ito ng mga livelihood education programs at ang Youth Servant Leadership and Education Program na kada taon ay pinapaaral ang limang libong mag-aaral na mula sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.